PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pamilyadong komedyante mabilis mag-init ang libido!

Maraming kuwento at anekdota tungkol sa pagiging malikot sa aparato ng isang kilalang male personality. Parang sa biglang tingin ay hindi naman siya ganu’n pero dahil sa maraming pagpapatotoong sinasabi ng kanyang mga “pinakialaman” ay totoo nga palang hindi mapakali ang kanyang mga kamay.

Madaling mag-init ang libido ng kilalang lala­king personalidad. Madikitan lang siya ng katawan ng babae ay nagwawala na ang kanyang utak, dinidiktahan agad ang kanyang mga kamay na gumalaw, naglilikot na sa aparato.

Kuwento ng isang source na kilalang-kilala ang male personality, “Madalas siyang ganu’n, madali siyang mag-init. Kunwari, magpapamasahe siya, very clear naman sa kanya na hanggang massage lang ‘yun, walang extra curricular activity.

“Pero oras na dumikit na sa kanya ang katawan ng masahista kahit hindi naman sadya, e, bigla nang magigising ang libido niya. Mainit na mainit na agad siya, kaya medyo malikot na sa aparato ang mga kamay niya.

“Nand’yang hipuin niya sa likod ang masahista, napapapitlag siyempre ang babae, ikaw ba naman ang hawakan sa puwet mo ng isang lalaki, ‘di ba?

“Nagso-sorry naman siya, pero palagi pa rin niyang ginagawa ang ganu’n, hindi talaga napapakali ang mga kamay niya, gapang nang gapang,” natatawang kuwento ng aming impormante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

May mga kuwento rin na patagong nagpupunta sa mga lugar na may mga milagrong nagaga­nap ang pamosong male personality. Naka-shades siya, naka-hoody, ayaw niyang makilala siya ng ibang mga kliyente.

“Du’n talaga, nagagawa na niya ang gusto niya. May ginagawa na siyang kakaiba du’n dahil may permiso naman ang girl. Hindi na basta pagpapamasahe lang ang ipinunta niya du’n kundi pagpapaalpas talaga ng sobrang init ng katawan niya.

“Nagkakuwentuhan nga ang mga girls du’n kapag napapanood siya sa TV, wala na kasi siyang maitatago, nakita na ng mga babaeng ‘yun ang buong kahubaran niya. At may extra kuwento pa nga ang mga girls.

“Mainipin kuno ang mhin, konting churba lang, e, nagpapakalat na agad siya ng milk of kindness, hindi pala siya mahilig sa foreplay. Konting himas lang, arrive na agad siya, kaya walang kahirap-hirap ang mga girlalu sa pagpapaligaya sa kanya.

“Komedyante si Boy Inip, magaling siyang magpatawa. Pamilyado na siya pero talagang malikot siya sa aparato. Mainit palagi ang kanyang libido,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden inuupakan pa rin sa pag-aming single na single siya!

Inupak-upakan na naman si Alden Rirchards nang dahil lang sa isang pinakawalan niyang sagot sa isang interbyu kung single pa ba siya? Isang Thai host ang nagtanong sa kanya.

Ang simpleng sagot ni Alden ay “yes.” Dahil du’n ay puro bira kaliwa’t kanan na ang kanyang tinanggap mula sa mga tagasuporta ni Maine Mendoza. Bakit daw hindi maamin ng Pambansang Bae na may girlfriend na siya?

Bakit daw parang ikinahihiya niya si Maine, bakit daw hindi niya diretsong masabi na selyado na siya? Aysus, katakutakot na bash agad ang inabot ni Alden, pati ng host sa Thailand na nag-interbyu sa kanya.

Napakababaw na dahilan, parang nakapatay na agad si Alden sa mga tinatanggap niyang masasakit na salita, samantalang nagpakatotoo lang naman ‘yung tao.

Ang tanong, ang malaking tanong, hayagan na ba silang umamin na sila na nga? Meron na bang pagkakataong nagsabi sila nang diretso na magkarelasyon na sila? Hindi ba’t ang dami-dami na ngang naiinip sa kanilang pag-amin?

Napakatagal na nga nilang magka-loveteam, araw-araw silang magkasama sa Eat Bulaga!, pero hanggang sa pagpapakilig lang naman ang ginagawa nila.

May mapalapit lang na babae kay Alden ay nagwawala na agad ang AlDub, may maging ka-close lang na lalaki si Maine ay halos maghuramentado na sila, samantalang wala pa namang inaamin sina Alden at Maine na sila na nga.

Kung wala pa namang relasyon ay ano ang karapatan ng kahit sino na upakan si Alden Richards? Magkakaroon lang sila ng pasaporteng pagsalitaan si Alden kung girlfriend na pala niya si Maine pero single pa rin ang isinasagot niya sa tanong tungkol sa kanyang lovelife.

Mahirap bang intindihin na kung wala pa naman talaga ay hindi nagsisinungaling ang tinatanong? Hindi tuloy kagandahan ang epekto nu’n sa ating mga kababayan. Parang ipinagduduldulan nila si Maine kay Alden.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: