PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mariel ipinagdarasal nina Boyet at Sandy na makagawa ng history!

Nasa Japan na ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong kasama ang kanilang youngest daughter na si Mica.

Lumipad ang mag-anak sa Tokyo para suportahan ang anak na si Mariel sa laban nito sa Miss International 2017 sa Martes, November 14.

Ipinagdarasal nina Sandy at Boyet na manalo si Mariel dahil kapag nangyari ito, gagawa ng kasaysayan sa Miss International ang kanilang anak.

Hindi pa pala nagkakaroon ng back-to-back win sa Miss International mula nang magsimula ito noong 1960. Si Kylie Verzosa ang reigning Miss International at kapag si Mariel ang naging successor niya, gagawa ng kasaysayan ang bansa natin sa Japan-based beauty pageant.

Kinunan ng litrato sa kabaong, Isabel hindi inirespeto ng mga usisero! Mommy Guapa ayaw tingnan ang anak

Pamilya at malalapit na kaibigan ang mga dumating sa unang gabi ng burol ng mga labi ni Isabel Granada sa Santuario de San Jose, East Greenhills, Mandaluyong City noong Huwebes.

May mga miyembro ng media na dumating pero pinakiusapan sila na mag-obserba na lang muna dahil para sa pamilya at close friends ang unang gabi ng lamay na dinagsa ng mga tao kahit malakas ang buhos ng ulan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

May mga pasaway na kinunan ng litrato ang mga labi ni Isabel at ikinalat sa social media. Mahigpit ang pakiusap ng pamilya at concerned friends ng aktres na igalang ang hiling na huwag kunan ng litrato ang bangkay niya.

Dumating sa unang gabi ng lamay si Mommy Guapa, ang nanay ni Isabel pero hindi niya tinitingnan ang bangkay ng kanyang anak. Hindi talaga matanggap ni Mommy Guapa na wala na ang unica hija niya kaya masakit para sa kanya na makita sa social media ang picture ng walang buhay na katawan ni Isabel.

Nagsimula kahapon ang public viewing sa mga labi ni Isabel at kung sakaling maghigpit ang mga bantay sa pagkuha ng litrato, dapat na maintindihan ito ng mga nakikiramay, lalo na ang mga nakikiusyoso.

May mga showbiz reporter na nagpunta sa unang gabi ng lamay.

Kinunan nila ng litrato ang kabaong ni Isabel na napapaligiran ng mga bulaklak pero hindi sila nagtangka na kunan ng larawan ang bangkay ng aktres bilang respeto sa alaala niya.

Naka-post sa mga social media account ng mga reporter ang mga picture na kuha sa burol pero long shot at walang litrato ng lifeless body ng yumao.

Parang si Julie Vega, Isa parang natutulog lang

Parang natutulog lang si Isabel ang sabi ng mga nagpunta sa unang gabi ng lamay para sa kanya.

Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya at parang hindi nahirapan sa ilang araw na pagkaka-confine niya sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Maganda at maamo ang mukha ni Isabel kaya hindi nakakasawa na pagmasdan. Pareho sila ng yumaong aktres na si Julie Vega na parang natutulog din habang nakahimlay sa kabaong.

Namatay si Julie noong May 6, 1985 dahil sa pneumonia. Sixteen years old siya nang bawian ng buhay at dinagsa ng fans ang burol niya sa Mount Carmel Church sa Quezon City.

Ipinagluksa ng showbiz at ng buong Pilipinas ang pagpanaw ni Julie na nagsimula ang showbiz career bilang child star kaya nasubaybayan ng lahat ang pagdadalaga niya. Parang nawalan ng anak ang mga Pilipino nang mamayapa si Julie sa napakabata na edad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: