PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Drew may ‘DIY’ trip sa Seoul

MANILA, Philippines — Ngayong Biyernes (Nov. 10), samahan si Drew Arellano sa 6th Most Visited City in Asia—ang Seoul, South Korea.

 ‘Do it yourself’ o DIY ang tema ng biyaheng ito. Kaya ibabahagi ni Drew ang best gadgets, apps, at siyempre, diskarte, sa paglilibot sa siyudad na ito.

Bago lumibot sa Seoul, siguraduhin daw na dadaan ka sa Tourist Center para manghingi ng mga libreng mapa kung saan makikita ang tourist attractions, museums, restos, walking tours at iba pa. Huwag ding mag-atubiling tumawag sa Korea Travel Hotline 1330 para magtanong.

“Do what the locals do.” ‘Yan ang mantra ni Drew. Kaya susubukan niya ang Jjimjilbang o Korean bath house, ang paboritong hangout ng mga taga-Seoul.

Pagkatapos ng traditional Korean bath, Drew samples the local eats. Nariyan ang sariwang-sariwang Gejang o hilaw na alimango na ibinabad lang sa toyo. Meron ding version nito ang hipon. At dahil mapaparami raw ang pagkain ng kanin, ‘rice robber’ ang bansag sa mga putaheng ito.

For a bit of DIY shopping and dining, bibisita si Drew sa Meyeong-dong, ang sikat na night market sa Seoul.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8 p.m. sa GMA News TV.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: