PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zanjoe pinipigilan ang nararamdaman kay Rhian!

Buti na lamang at mayroong sari-sa­riling lovelife sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos dahil kung wala ay baka na-link na sila nang aminin ng Kapamilya aktor na mayroon siyang kakaibang na-feel sa Kapuso actress.

Suntok sa buwan ang kanilang pagsasama dahil magkalabang mortal ang ka­nilang network. Buti na lang at hindi romantic ang naramdaman ni Zanjoe para kay Rhian kung hindi magkakailangan sila dahil first time nilang nagkita’t nag­kakilala sa shoot lamang ng movie. Sa buong buhay niya bilang artista ay never nakipagtrabaho si Zan­joe sa isang Kapuso unlike Rhian na minsan nang nakapareha si Piolo Pascual.

Inakala tuloy ng lahat na baka mapalitan na si Bela Padilla sa puso ni Zanjoe, wala namang ganung threat si Rhian kay Bela.

Aljur at Vin nakakaiyak ang relasyon

Ilang ulit ko nang narinig ang closeness ng magkapatid na Aljur at Vin Abrenica, pero sa programang Magandang Buhay ko lamang nakita kung paano ang closeness nila to the point na pinaiyak ng magkapatid ang manonood ng show sa ipinamalas nilang pagmamahal sa isa’t isa. Hindi mo puwedeng i-fake ang ganung mga maramdaming eksena.

 Ang dami tuloy nainggit sa  parents nila na matagumpay na nakapagpalaki ng mga mapagmahal na anak at ganun kalapit sa isa’t isa, at mga lalaki pa!

Janine isasabak ni Pilita sa concert

Kaka-proud din si Pilita Corrales na sa edad na 78 na lola sa apat na anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon at tatlo nina Jackielou Blanco at Ricky Davao. Mga binata’t dalaga na ang mga ito at inabot pa ang kagalingan niya sa pagkanta. Source of pride pa rin ang Asia’s Queen of Songs ng kanyang mga anak at apo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasama ni Pilita ang apong si Janine Gutierrez sa nalalapit na konsyerto niya.

Nakasisiyang mapanood ang aktibo pa rin sa pagkanta na lola na siguradong panonoorin ng mga naggagandahan at naggugwapuhan niyang mga apo.

Nanay na binawian ng pamilya, hindi pa nawawalan ng pag-asa

Apat na taon na mula nang maganap ang hagupit ng bagyong Yolanda at bagaman at nakakaba­ngon na ang mga mga lugar na pininsala nito at ang mga naiwan ng mga biktima ng trahedya, nagawa pa rin akong paiyakin ng isang balikbayan na  namatayan ng asawa’t anak sa trahedya.

Isang buwan na silang nasa Leyte ng kanyang pamilya nang maganap ang typhoon Yolanda. Hindi sila naprotektahan ng kanilang ba­hay na inanod ng storm surge at pi­naghiwalay silang pa­milya. Nasa Leyte pa rin ang naka-survive na ina, nag-iisa at hinihintay ang panahon na makakasama niyang muli ang kanyang mag-ama.

Pinalilipas niya ang panahon sa  pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Nakakabilib ang tatag ng inang naiwan, kung sa akin nangyari ‘yun, baka namatay na rin ako sa lungkot.

Nyoy may oras pang umarte

Suwerte ni Nyoy Volante dahil sa kabila ng kaabalahan niya sa pagkanta ay nagagawa niyang maidaos ang kanyang passion sa pag-arte. Gagam­panan nila ni Antoinette Taus sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bukas, Nob. 11, ang role ng isang mag-asawa na sa kabila ng kahirapan ay na­gawang maitaguyod ng lalaki ang pagtuturo niya sa mga mag-aaral na kapareho nilang said sa kabuhayan at nakadapa sa kahirapan.

Ang buod ng kuwento ay isinulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos sa direksyon ni Dado Lumibao.

Kasama pa rin sa episode sina Marlo Mortel, Louise Abuel, Buboy Garovillo, Suzette Ranillo, at Marc Santiago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: