PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Prime Minister ng Cambodia inimbita si Marian sa ASEAN Summit!

PIK: Umalis kahapon ng madaling araw ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong patungong Japan para mapanood at suportahan ang anak nilang si Mariel de Leon na lalaban sa Miss International 2017.

Malaking challenge kay Mariel ang laban niya sa nasabing pageant dahil ang kabayan nating si Kylie Versoza ang reigning Miss International.

Marami ang nagsasabing mahihirapan si Mariel, pero mas nananaig sa dalaga ang matinding inspirasyon para sa ating bansa. Kaya hindi siya pinanghihinaan ng loob. Hindi na rin niya pinapansin ang bashers na patuloy pa ring bumabatikos sa kanya.

Ang nakakapagtaka pa, kinuha ng Ang Panday si Kylie Versoza. Para kaya sakaling hindi magwagi si Mariel, meron pa rin silang Miss International?

PAK: Nagulat si Marian Rivera nang padalhan siya ng imbitasyon para dumalo sa isang event ng ASEAN Summit. Bukas daw siya pinapadalo sa isang pagtitipon kung saan magkikita sila ng Prime Minister ng bansang Cambodia na si Hun Sen.

Sikat kasi si Marian sa Cambodia dahil nag-hit doon ang Marimar at Dyesebel na serye niya sa GMA 7.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ngayon ay napapanood doon ang Carmela kaya gustung-gusto raw siyang makilala nang perso­nal ng Cambodian President.

Pahayag ni Ma­rian kaha­pon sa launch ng ba­gong endorsement niyang Kultura sa SM Makati, “Nagulat nga ako na pinadalhan kami ng invitation kasi hindi naman ako sanay na pinapadalhan ng mga ganyan, at parang nakakahiya naman na pumunta ako sa ganun.

“Pero sabi raw kasi sa amin, gusto akong makita ng President ng Cambodia dahil ipinapalabas ang soap ko dun.”

Kaya excited siya sa event na ito na dadaluhan niya sa ASEAN Summit. At napapangiti niyang sabi sa amin, tiyak na isusuot niya ang damit ng Kultura dahil proud daw siya sa mga gawang Pinoy.

BOOM: Nabalot ng matinding kalungkutan ang pagdating ng mga labi ni Isabel Granada kahapon ng alas-diyes ng umaga mula Doha, Qatar.

Hindi napigilang maging emotional ng asawa niyang si Arnel Cowley nang ibaba na ang kabaong nito.

Kasama ang dating asawa ng singer/actress na si Jericho Aguas at ang nag-iisang anak nilang si Hubert.

Nakausap namin si Jericho kahapon ng hapon habang nasa Arlington pa dahil binabantayan nila si Isabel na inaayusan, at dadalhin na sa Santuario de San Jose sa Greenhills.

Doon ang burol hanggang Sabado dahil ibabalik siya sa Arlington para sa cremation nito sa Linggo. ­

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: