PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marian nag-promote ng hindi Kapuso!

Pansin namin, kina-career pati ang concept ng pictorial ng mga endorsement ni Marian Rivera. Nabanggit namin kay Marian nang makausap sa taping ng Super Ma’am na maganda ang pictorial niya para sa Adajar Dental. Ibang-iba kasi ang dating nito at hindi lang siya basta nag-smile.

Tinapatan ng Kultura Filipino ang Adajar Dental dahil maganda rin ang pictures ni Marian na naglabasan kasabay ng opening ng Kultura Makati, kahapon. Comment ng isang netizen, mapapabili ka sa Kultura sa ganda ng suot na damit at hawak na clutch bag ni Marian.

Nagpasalamat naman si Marian sa Kultura Filipino sa pagsuporta sa advocacy niyang Smile Train. Part ng benta sa opening ng store sa Makati ay mapupunta sa Smile Train para sa cleft palate surgery ng mga batang may diperensya sa labi.

Napansin pala namin na gina­ga­mit ni Marian ang IG story niya sa pag­pu-promote sa events ng Kapuso maging ng Kapamilya stars. Nag-promote siya ng This Time I’ll Be Sweeter nina Barbie Forteza at Ken Chan. Ang release ng single na All I Need ni Gabbi Garcia at launching ng album ni Kisses Delavin.

Bianca walang malay sa pagmimina ng pamilya

Sa presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki ay tinapatan ni Bianca Umali ang sinabing involved ang pamilya nila sa minahan. Kuwento nito ay may farm sa Siargao ang ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix. Bongga ang farm ni Miguel dahil ang tanim dito ay ang mga ginagawang kahoy na pang-construction.

Iyon nga lang, parehong walang alam sina Miguel at Bianca sa negosyo ng kanilang pamilya. Pero mga bata pa naman sila at busy sa showbiz career. Hayaan muna natin silang mag-enjoy. Ang importante, may napupuntahan ang kinikita nila sa showbiz.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Introducing ang billing nina Miguel at Bianca sa Barbi, dahil first movie nila ito ngayong tumanda na sila. Ang Mulawin the Movie pa ang last nila noong bagets pa siya at si Bianca ay ang Yaya and Angelina with Michael V and Ogie Alcasid.

Bida sa pelikula sina Paolo Ballesteros, Joey de Leon, Ejay Falcon, Joey Marquez at iba sa cast.

Sa direction ni Tony Y. Reyes, showing sa November 29.

Anyway, sa Nov. 27, naman ang pilot ­airing ng primetime series nina Bianca at Miguel na may working title na Santa Santita. 

Alexander Lee may sakit?!

Nabasa ni Alexander Lee ang concern ng kanyang Pinoy fans sa social media. Pansin nila na pa­yat siya sa My Korean Jagiya at pinayuhang kumain pa para tumaba.

Nabahala pa ang fans ni Alexander sa ibinalita nitong nagpa-check up siya habang nasa Korea. May comment pa si Heart Evangelista about sa check-up ng aktor sa Korea. Tanong ng fans, may sakit daw ba si Alexander?

Anyway, may ipinost si Alexander na T-shirt na may naka-print ng show nila ni Heart sa GMA 7. Marami ang nagkainteres na bumili lalo’t P400 lang ito. Kaya lang, sa GMA store lang ito mabibili.

JoWaPao inaasahang mangangabog

Mukhang Barbie doll si Paolo Ballesteros sa presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki kaya ini-expect ng press na nakaayos lola rin sina Paolo, Wally Bayola, at Jose Manalo sa presscon ng movie nilang Trip Ubusan: Lolas Vs. Zombies next week. Mga lola sa Kalyeserye ng Eat Bulaga ang karakter nila.

Nabasa namin sa credits ng movie na producers ng movie sina director Mike Tuviera, Jojo Oconer, at Ramel David. Executive Producers sina Mr. Tony Tuviera at Vic Sotto. Si Mark Reyes ang director ng movie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: