PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isabel pinipilahan!

Habang patuloy na nagbubunyi ang Pilipinas sa recent back-to-back win ng bansa sa dalawang magkahiwalay na beauty pageant, ang 2017 Miss Earth na si Karen Ibasco at ang 2017 Reina Hispano­americana na si Winwyn Marquez (Tere­sita Ssen Marquez) na parehong gina­nap sa gabi ng November 4 (Saturday) na siya ring araw na binawian ng buhay si Isabel Granada sa Doha, Qatar, dumating na sa bansa ang kanyang mga labi kahapon ng umaga. 

Kasalukuyang nakalagak sa Santuario de San Jose, Greenhills, Mandaluyong City ang kanyang mga labi. Ang public viewing ay mangyayari sa araw na ito ng Biyernes at Sabado sa ganap na ika-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon habang ang mga kaanak at mga kaibigan ng namayapa ay hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Sa araw ng Sabado, November 11 at 7:00 p.m. ay nakatakdang ganapin ang Eulogy.   Nakatakdang ilipat ang mga labi ni Isabel sa Arlington sa araw ng Linggo, November 12 kung saan ito bibigyan ng final mass at 1 p.m. bago ito i-cremate sa ganap na ika-2 ng hapon. 

Paalam, Isabel, ang aking silent kumare dahil isa ako sa mga ninang ng kanyang kaisa-isang anak na si Hubert Aguas (14).

Tacloban bawing-bawi na

Napakabilis talaga ng panahon, Salve A.

Nakakaapat na taon na pala ang super typhoon Yolanda na kumitil ng halos 7,000 katao noong November 8, 2013 sa Tac­loban City alone labas pa rito ang mga naging biktima mula sa karatig lugar ng Tac­loban at iba’t ibang bahagi ng Eas­tern Visayas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Four years pagkatapos ng di­sas­­ter ay muling bumangon ang Taclo­ban na siyang sentro ng trade ng Eastern Visayas at hindi ito na­ging po­sible kung hindi dahil na rin sa pa­mu­muno ng local officials na pi­­na­ngu­nahan ng dating alkalde ng siyudad na si Alfred Romualdez at nga­yon ng kanyang misis na si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Ro­mualdez, ang suporta ng pa­ma­hala­ang Duterte at maging ang tulong na nagmula sa iba’t ibang bansa at ng mga Taclobanon mismo.

Tulad ng kanilang slogan na Padayon Tac­loban (Move Forward Tac­loban), patuloy ang pagbangon ng siyudad dahil halos wala na itong trace ng trahedya sanhi ng bagyong Yolanda.

Napakarami na ng bagong tayong business establishments at marami pa ang kabi-kabilang ongoing construction at balik na sa pagiging busy muli ng siyudad habang patuloy ang local and national government na nakatutok sa mga housing project para sa mga naging biktima ng bagyo at kasama na rito ang social services tulad ng pangkalusugan, livelihood, education, at iba pang mga panga­ngailangan tulad ng tubig, power at transportasyon. 

Ang nakaka-proud pa sa mga Taclobanon ay ang patuloy na pagdagsa sa siyudad ng mga investor.

Si Mayor Kring-Kring kasama ang kanyang mister at iba pang local officials ng siyudad ang nanguna sa paggunita ng ika-apat na taon ng super typhoon Yolanda sa pamamagitan ng iba’t ibang activities tulad ng misa, wreath-laying and candle offering na ginanap sa Anibong Memorial. Matatagpuan din dito ang unahang bahagi ng cargo vessel na MV Eva Jocelyn na rumagasa sa 14 na bahay at kumitil ng 11 buhay. Kinabukasan, sa araw mis­mo ng November 8 ay nagkaroon ng Commemorative Walk sa ganap na alas-5 ng uma­ga. Sumunod na­man dito ang 7:00 a.m. sa Tacloban Astrodome at isang programa na pina­ngu­nahan din ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring Romualdez at kung saan dumalo ang representative ni Pangulong Duterte na si Undersecretary Wendel Avisado, ang Presidential Assistant on Yolanda Rehabilitation na siya ring nagbasa ng mensahe ng pa­ngulo na nasa Viet­nam for the APEC Summit.

Nakakapanindig-balahibo ang naging perfomance ng kilalang singer-songwriter na si Wency Corne­jo nang kanyang awitin ang ilan sa kanyang mga classic hit songs tulad ng Mangarap Ka, Hanggang, Next In Line, at Habang May Buhay na tuma­ma sa okasyon.

Napakainit ng pagtanggap kay Wency at sa kanyang mga awitin ng mga Taclobanons.

Pabalik na sana kami sa ­aming tinutuluyang ho­tel nang malaman naming parating na si da­ting Sen. Bong Bong Marcos kaya nag-stay kami sa Pa­tio Victoria kung saan nagkaroon ng media­con ka­sama sina Mayor Kring-Kring, si dating Mayor Alfred, si dating congressman ng Davao na si Anton Lagdameo (mister ng singer-actress na si Dawn Zulueta) at humabol naman ang dating congressman na si Martin Romualdez.

Pagkatapos ng press confe­rence ay tumuloy ang grupo ni former Sen. Bong Bong sa Holy Cross Memorial, ang mass burial site ng mga naging biktima ng Yolanda kung saan naman sila nag-alay ng bulaklak. Nagkaroon din ng candle lighting sa iba’t ibang kalye ng Tacloban pagsapit ng 6 p.m. na sinundan ng pagpapakawala ng sky lanterns sa ganap na ika-9 ng gabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: