PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kampanya sa droga ni Digong hataw sa Asian TV Awards

‘Di na natuto, Bianca makupad kumilos?!

SEEN: Napapansin ng staff ng Pusong Ligaw ang mabagal na kilos ni Bianca King kaya natatagalan na kunan ang mga eksena niya sa afternoon drama series ng ABS-CBN. Dapat umayos si Bianca dahil naranasan na niya noon na mawalan ng mother studio.

SCENE: Malabo ang mga mata at hibang ang fan ni Maine Mendoza na nagsabi na napansing malaki ang pagkakahawig ng kanyang idol sa namayapang aktres na si Isabel Granada. Are you blind? Are you deaf?

SEEN: Lumipad kahapon pa-Tokyo, Japan ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong para sa coronation night ng Miss International 2017. Magkakaroon ng extension ang pananatili nina Christopher at Sandy sa Tokyo kapag nanalo na Miss International ang kanilang anak na si Mariel.

SCENE: Si Tirso Cruz III ang nag-iisang Pinoy na nominado sa 22nd Asian Television Awards. Best supporting actor nominee si Tirso para sa pagganap niya sa Wildflower ng ABS-CBN.

SEEN: Nominated sa Best Single News Story/Report category ng 22nd Asian Television Awards ang Philippines war on drugs: Duterte’s Crackdown ng CNN at BBC.

SCENE: Mabenta sa Asian Television Awards ang kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa droga dahil nominado sa Best Current Affairs Programme ang Al Jazeera Investigations para sa 101 East - Rodrigo Duterte: The President’s Report Card.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Sa December 1, 2017 ang awards night ng 22nd Asian Television Awards at magaganap ito sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center ng Singapore.

SCENE: Inililihim nina Erwan Heussaff at Anne Curtis ang bansa na pagdarausan ng kanilang kasal pero post naman nang post sa social media ang mga invited guest na hindi pinagbigyan ang hiling ng soon-to-be wed couple.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: