PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Beauty handang sumugod sa kasal nina Ellen at John Lloyd

Muling magkakaroon ng concert si Matteo Guidicelli sa November 30 na gaganapin sa KIA Theater. Bukod sa Hey Matteo concert ay abala na rin ngayon ang aktor sa promotion ng bagong album. 

May bulung-bulungan na ginagamit diumano ni Matteo ang kasintahang si Sarah Geronimo para makasulong ang kanyang singing career. “I’m used to it. I’m not gonna be affected because I know the truth with what I’m doing. That’s why we are not working with each other. We make it a point that we don’t work together,” giit ni Matteo.

Ayon sa binata ay hindi rin siya ang nagsisimula upang pag-usapan ang tungkol sa Popstar Princess sa mga panayam sa kanya. “I’m not consciously broadcasting Sarah. I’m just answering questions. Some people always think I’m always talking about her. But I am just answering questions. It’s an exchange of conversation. Sarah is an influence to me,” paglilinaw ni Matteo. 

“We are talking, it’s a normal thing. It’s nothing bad, nothing good. It’s just being honest and being real. Kung hindi nila matanggap, bahala sila sa buhay nila,” dagdag pa niya.

May mensahe rin si Matteo para sa lahat ng kumukuwestiyon sa kanyang magandang hangarin kay Sarah. “Everybody will doubt, everybody will hate. The point is, Sarah and I, we know the truth. It’s Sarah and I in a relationship. We know the truth on things. They can doubt or think whatever they want to think,” pagtatapos ng aktor.

Matteo walang pakialam sa mga nagdududa sa intensiyon kay Sarah

Malapit na magkaibigan sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna. Masaya raw si Beauty para sa kaibigan na kasalukuyang nasa Europe at nagbabakasyon kasama si John Lloyd Cruz. “It’s good, we all need a break. I mean kailangan din natin sa sarili natin eh. We need to get ourselves together kasi minsan when you are overworked na rin, nakakalimutan mo na rin kung paano tumawa. Nakakalimutan mo na kung paano mag-appreciate ng mga maliliit na bagay. So I’m happy finally both of them are doing it and they both love each other, I’m happy for them,” nakangiting pahayag ni Beauty. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naipakilala na kaya sa aktres ni Ellen si John Lloyd bilang kasintahan? “We’re too old to say things na kahit ako nga di ko napakilala na boyfriend ko na pala ‘yung asawa ko dati. It’s just when you see both people happy, maybe they’re together, I don’t know,” makahulugang sagot ni Beauty.

Napababalitang nagpaplano na diumanong magpakasal nina Ellen at John Lloyd sa ibang bansa. Ayon kay Beauty ay talagang gagawa siya ng paraan upang makadalo sa espesyal na araw ng mga kaibigan. “If they feel like doing it, imbitahin naman nila ako. I’ll be there, whenever, wherever. Sabi ko sa kanila gawin n’yo na lang weekend, kahit isang araw pupuntahan ko kayo kahit saan. Siyempre both of them are ninang and ninong sa anak ko.  So they are very close to me and my family,” pagbabahagi ni Beauty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: