PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres sinusuka sa kawalan ng pakialam sa mundo

Halos lahat naman ng mga artista ay may kani-kanyang sumpong. Tantrums ang tawag du’n sa hanay ng mga artista. ‘Yung parang nagising sila sa maling parte ng kanilang kama. Bad hair day ang tawag nila sa ganu’n.

Dahil sa sobrang puyat at pagod ay kauna-unawa naman kapag minsan ay parang wala sila sa mood. Ang tawag naman du’n ay mood swing. Sumpong. Baltik.

At naiintindihan ng kanyang mga katrabaho kung bakit parang may sari­ling mundo kadalasan ang isang popular na female personality. Baltikin nga ang tawag sa kanya ng mga kapwa niya artista dahil mahirap ispilengin ang kanyang ugali.

Kuwento ng isang source, “Ay, totoo namang baltikin si ____(pangalan ng pamosong aktres)! Mahirap hulihin ang ugali niya! Minsan, e, babatiin ka niya, pero kung minsan naman, magkakapalitan na kayo ng mukha, e, deadma lang siya!

“Parang ang layu-layo ng tingin niya kapag may baltik siya. Nand’yan ka na lang, o! ‘Yung halos kadikit na niya ang face mo, pero parang wala lang siyang nakikita!

“Iniintindi na lang siya ng mga katrabaho niya, pati na ng mga veteran stars na parang hindi man lang niya pinapansin, tutal naman, e, sanay na silang ganyan ang babaeng ‘yun!” simulang kuwento ng aming impormante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

At hindi lang siya baltikin, makupad pa palang kumilos ang female personality, walang nakakaalam kung bakit palagi siyang cause of delay sa mga madaliang eksena sa pelikula man o sa telebisyon.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun sa kakuparang kumilos. Maburiri siyang maarte na ewan! Katok na nang katok ang production staff sa dressing room niya dahil siya na lang ang kulang sa eksena, pero parang deadma lang din siya!

“Pagod na pagod na ang staff sa kababalik-balik sa kanya, pero ayaw pa rin niyang lumabas, nakasimangot pa siya kapag tuluyan nang lu­mabas sa lungga niya! Siya na nga ang nagpahintay, siya pa ang galit, ano nga naman ‘yun, lokohan?

“Kaya siguro walang tumatagal na boyfriend ang babaeng ‘yun, e, dahil sa deadma niyang ugali, ‘no! Kaya siguro isinuka ng ex niya ang girl, e, dahil sa kawalan niya ng pakialam sa mundo!

“Bumabagay ba sa kanya ang name niya? Parang hindi!” makahulugang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Negosyo sa kuko ni Kathryn asenso!

Kinakarir ni Kathryn Bernardo ang kanyang negosyong KathNails. Dahil sa malaking tagumpay ng unang branch nito sa SM North ay kinailangan nang maghanap ng kanyang Mommy Min ng mga bagong puwesto para makapagdagdag sila ng sangay.

Hindi na kayang pagserbisyuhan ng KathNails sa SM North ang kanilang mga kliyente, punumpuno ang kanilang log book ng mga nagpapa-reserve ng sche­dule, sayang na sayang nga naman ang pagkakataong magawa nila nang mabilisan ang ating mga kababayan.

Dalawang branches ang bubuksan ng KathNails sa mga susunod na linggo. Ang una ay sa Ayala Malls Cloverleaf, ang isa naman ay sa MOA, kaya tatlong branches na ang regular na iikutan ng mommy ni Kathryn na namamahala sa kanilang negosyo.

Sabi ni Ogie Narvaez Rodriguez na consultant ng KathNails, “Si Tita Min po ang tumututok sa KathNails, wala kasing time si Kath, matindi ang schedule niya sa La Luna Sangre.

“Puspusan po ang taping nila, kaya ang nangyayari, e, siya na ang dinadalaw ng mommy niya sa set. Siya na ang naglalambing na dalawin siya ni Tita Min, nagpapabili siya ng paborito niyang food.

“Pero siyempre, nalalaman niya ang mga nangyayari sa KathNails. Hindi naman kumikilos si Tita Min at ang mga sisters niya nang wala siyang alam. Si Kath po kasi ang CEO ng KathNails,” kuwento ng aming anak-anakan.

Tahimik lang ang mundo ni Kathryn Bernardo. Pero maligaya ang kanyang paligid dahil palagi silang magkasama ni Daniel Padilla.

Pinasasalamatan din ng young actress ang kanilang mga tagahanga ni Daniel na walang sawang sumusubaybay at nakikipaglaban para sa kanila.

Aktibo ang grupong KDKN Solidarity Community, sa mataas na lebel ng pakikipagpalitan ng opinyon at naipagtatanggol nila ang KathNiel, hindi nila pina­patulan ang tulad ng isang retokadong bagito na para lang mapansin ay pinintas-pintasan ang kanilang na­nanahimik na idolong young actress.

Na dapat lang naman. Tulad ni Kathryn Bernardo ay marunong ding mamili ng giyerang papasukan nila ang grupo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: