PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isabel Granada sinalubong ng full military honors

Kahit umuulan, marami ang nagpunta kahapon sa cargo warehouse ng Philippine Airlines para salubungin ang bangkay ni Isabel Granada na dumating mula sa Doha,Qatar.

Sa mga nagtataka dahil binigyan si Isabel ng full military honors, simple lang ang explanation, naglingkod siya bilang airwoman second class sergeant sa Philippine Airforce sa loob ng dalawang taon dahil piloto ang aktres.

Bukod sa iginawad na full military honors sa arrival kahapon ng mga labi ni Isabel, naghahanda rin ng funeral service para sa kanya ang Philippine Airforce.

Naglabas din ng official statement ang Philippine Airforce tungkol sa pagpanaw ng aktres na binawian ng buhay noong November 4 sa Hamad General Hospital dahil sa aneurysm.

“The Philippine Air Force would like to express its profound sorrow and heartfelt condolences to the bereaved families and loved ones of Filipina celebrity and PAF reservist, Ms Isabel Granada.

“During this time of mourning, we, the men and women of the PAF, share the sense of grief and great loss of Ms Granada and we wish to pay tribute to this great woman who has achieved so much in her life.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Sometime in 2001, the late Ms Granada was recruited by the PAF through its Direct Enlistment program. She was temporarily assigned to the Air Force Special Service Group and was given an Air Force Specialty Code skill in recreation (volleyball). From an Airwoman, she was then promoted to Airwoman Second Class.

“She spent a year as an active PAF enlisted personnel as part of the PAF Women’s Volleyball team and opted to remain as a reservist where she conti­nued her support by willingly performing, hosting, and lending her celebrity status to draw crowd in PAF events. Her proper demeanor, both as a celebrity and an aviation enthusiast, also contributed to the PAF’s public image by virtue of her reservist status, which she had proudly admitted.

“To show our final respect to Ms Granada, we will extend a funeral honor and service for her remains as PAF’s way of demonstrating its concern for the welfare of its personnel.”

O ayan ha? Detalyado ang official statement ng Philippine Air Force offi­cers tungkol sa mga kontribusyon ni Isabel sa kanilang ahensya.

Enough na ang pahayag ng mga opisyal para hindi na magtanong ang mga clueless na takang-taka sa pagpapahalaga na ibinigay kay Isabel ng Philippine Airforce. 

Chuckie Dreyfus wasak na wasak sa pagluluksa

Nagsimula kagabi ang lamay para kay Isabel sa Santuario de San Jose sa East Greenhills, Mandaluyong City.

Para sa pamilya at malalapit na kaibigan ang unang gabi ng burol. Ngayong umaga naman mag-uumpisa ang public viewing na siguradong dadagsain ng mga tao na gustong makiramay sa mga naulila ni Isabel at makita siya sa huling sandali.

Sa mga kaibigan ni Isabel, pinaka-affected si Chuckie Dreyfus na sobrang broken sa nangyari sa kanyang bestfriend. Malalim ang pinagsamahan ng dalawa na magkapareha sa mga pelikula at television shows noong mga child star pa lamang sila.

Kasama si Chuckie sa mga sumalubong kahapon sa pagdating ng mga labi ni Isabel sa cargo warehouse ng Philippine Airlines. Naroroon din ang anak ni Isabel na si Hubert, ang kanyang ex-husband na si Jericho Aguas at ang partner niya na si Arnel Principe Cowley na cry nang cry dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman. Wala si Mommy Guapa, ang ina ni Isabel na hindi pa rin matanggap ang maaga na pagkawala ng kanyang unica hija.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: