PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anak nina Bossing at Poleng lumantad na!

 Talitha at Pauleen

MANILA, Philippines — ‘Hello everyone’ ang caption ni Pauleen Luna habang nakapatong sa dibdib niya ang anak na si Talitha Maria Luna- Sotto. “Thank you for all your prayers!,” sabi pa ng bagong mommy.

Hindi agad ipinakita ni Pauleen ang face ni Baby Talitha matapos itong ipanganak nung November 6 via cesarean section.

Naunang ipinakita sa Eat Bulaga ang panganay nina Poleng at Bossing Vic.

Angel Locsin

Angel at BF ka-join sa kasalang Anne-Erwan

Uy nasa New Zealand na rin sina Angel Locsin at ang boyfriend niyang si Neil Arce.

Obviously, kasama sila sa piling-piling bisita ng kasalang Anne Curtis and Erwan Heussaff na magaganap diumano sa nasabing bansa ngayong weekend.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayaw man aminin ng ikakasal, kabi-kabila naman ang post ng kanilang mga bisita kaya alam na rin ng lahat kung saan at kung kailan ito.

Christmas Carol na may araL bagong dadayuhin sa Pasko

Ramdam na ramdam na ang Pasko. At para sa atin, ang Pasko ang isa sa mga pinakamasaya, pinakamaingay, at pinakamakulay na okasyon sa buong taon. Marami sa atin ang mahilig lumabas tuwing Pasko. Namamasyal sa mga theme park, karnabal, at malls para mag-relax at magpalipas ng oras. 

Ngayong Kapaskuhan, madaragdagan ang puwedeng puntahan ng mga Pinoy. Mula December 1, itatanghal sa Globe Iconic Theater ang isa sa mga klasikong kuwentong Pasko, ang A Christmas Carol, isang dula na kapupulutan ng magagandang aral.

Hango sa panulat ni Charles Dickens, ang A Christmas Carol ay tungkol kay Ebenezer Scrooge, isang kuripot at madamot na tao. Si Scrooge ay galit sa Pasko, pero nagbago ang pananaw niya nang siya ay bisitahin ng mga multo ng Christmas Past, Christmas Present, at Christmas Future.

Pangalawang colaboration na ito ng Globe LIVE at ng 9Works Theatricals. Ang makulay na produksyon ay ipinalabas na ng Globe at 9Works noong nakaraang taon, at naka-attract ng maraming mga pamilya. Dahil dito, napag­desisyunan ng Globe at 9Works na itanghal muli ang sikat na musical. 

Sa muli nilang pagtatanghal ng A Christmas Carol, may mga bagong tauhang idadagdag, katulad ni Franco Laurel, na gaganap sa papel na multo ng Christmas Past. Babalik din ang dating mga artista tulad ni Miguel Faustman na muling gaganap na Scrooge.   

Layunin ng Globe LIVE ang maghatid ng tuwa at mga masayang bonding moments sa mga Globe customers at kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko. Bukod dito, hangarin din nila na ipalaganap ang pagmamahal sa sining ng teatro sa mga Pilipino.

Hinihikayat ni Joe Caliro, Globe Head for Creative Marketing and Multi-Media Services at executive producer ng A Christmas Carol, ang mga pamilyang Pinoy na isama sa kanilang tradisyon sa Pasko ang panonood ng mga dula at musical tulad ng A Christmas Carol dahil sa mga aral na mapupulot dito. 

 “It also teaches us the valuable lesson of giving, which is what the season is all about. With the successful musical presentation that we had last year, we wanted to offer our production as a new Filipino holiday tradition that families can enjoy.” 

Idinagdag niya na ang Globe Live ay patuloy na naghahanap ng mga paraan para mabigyan ng masasayang karanasan ang mga kostumer nila maging online o offline man.  

Mas makabuluhan din ang A Christmas Carol ngayong taon dahil sa suporta ng Globe LIVE sa HERO Foundation sa pamamagitan ng Wall of Miracles. Ang Wall of Miracles  ay makikita sa bawat palabas at inaanyayahan ang bawat manonood na magsabit ng Christmas ornaments na mabibili sa Globe Iconic Theater.

Ang kubuuan ng kita kabilang ang karagdagang donasyon ay mapupunta sa mga iskolar ng HERO Foundation. Ang HERO Foundation ay isang organisasyon na sumusuporta sa pag-aaral ng mga naulilang bata ng mga Pilipinong sundalo. Ang mga donasyon ay gagamitin para sa school supplies, transportasyon, pagkain at iba pang pangangailangan.

Ang A Christmas Carol  ay itatanghal mula Dec. 7 to 10, 14 to 17, 21 to 22 and 25 to 27 sa Globe ICONIC Theater.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: