^

PSN Showbiz

Kathryn and Daniel nanguna sa nationwide bloodletting event

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng La Luna Sangre stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isang blood letting event na ginanap noong Linggo (Nov. 5) sa Philippine Red Cross headquarters kasabay ang 23 iba pang blood donation drive nationwide na inorganisa mismo ng KathNiel fans.

“May shortage talaga ang bansa sa dugo. May mga cases narin kaming naririnig na nahihirapan sila na kumuha ng dugo. Kaya sana kahit hindi nga­yong araw ay makapagbigay kayo ng dugo para makatulong sa ating kapwa Pilipino,” pana­wagan ni Daniel.

Matagumpay na nakakalap ang event ng 50,000 cc na dugo.

Bukod sa bloodletting, kinuha rin nina Kathryn at Daniel ang oportunidad para pag-usapan ang kanilang cyberbullying advocacy bilang CyberSmile ambassadors.

Idiniin ng dalawa ang kanilang panawagan na itigil na ang online bashing at sinabing dapat maninindigan ang bawat isa kontra dito.

Patuloy na pamamayagpag ng La Luna Sangre bilang isa sa mga top rating primetime serye ng bansa. Nasaksihan nga ng mga manonood ang pagtigil ng tibok ng puso ni Tristan (Daniel) noong Biyernes (Nov. 3) matapos siyang bigyan ng virus ni Prof T. (Albert Martinez).

Isang malaking palaisipan tuloy kina Prof T. at Samantha (Maricar Reyes) ang katauhan ni Tristan nang hindi tumugma ang nangyari kay Tristan sa kapwa niya Moonchasers. Ano nga ba ang misteryong bumabalot kay Tristan? Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino (Richard Gutierrez) sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with