^

PSN Showbiz

Christian Bables tinalikuran na ang pagiging beki!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kahit na nakilala si Christian Bables sa role niyang Barbie sa Die Beautiful at napatunayang mahusay na artista dahil sa ilang ulit na pananalo niya ng ac­ting awards para sa kanyang role ng isang bakla, tatanggapin niya ang pasya ng mga namamahala ng kanyang karera na huwag na siyang gumanap ng role ng isang gay person.

Sa ngayon, first and last time niyang role bilang bakla ang Barbie. Kung ano mang kadahilanan me­ron ang mga nagma-manage ng kanyang career, wala nang tanung-tanong pa ang mabilis na sumisikat na aktor. No more gay roles for him!

Fortunately, pawang straight roles ang tinatanggap ngayon ng aktor na pati lovelife ay kailangan niyang isakripisyo para maabot ang inaasam niyang stardom.

Candy Pangilinan umatras na kahit anong demanda sa asawa

Fourteen years old na pala ang special child ni Candy Pangilinan na ever since niyang isilang ay hindi sinuportahan sa pera ng ama nito. Kaya uma­bot pa sa korte ang paghingi ng sustento ni Candy na itinigil din niya sa kalaunan nang ipasya niyang sa halip na gastusan ang kaso ay ilaan na lamang niya ang malaking gastusin para sa kanyang anak.

Natutunan na rin niya na huwag magalit sa kanyang ex dahil siya lamang ang nagdurusa. So far, nakakaraos silang mag-ina. Marami pa namang trabaho si Candy at nagtuturo pa rin siya sa acting workshop kasama si Ogie Diaz.

Matteo wala raw gustong patunayan sa mga ginawang kanta

Wala namang gustong patunayan si Matteo Guidicelli sa mga awiting nakapaloob sa kanyang album at kakantahin sa nalalapit niyang concert. Hindi naman ito personal at tungkol sa kanyang  buhay. Nagkataon lamang na ang ilang mga kanta ay tumutugma sa buhay niya ngayon, about what he feels. Tulad ng Be My Other Self na favorite niya, pero itinanggi na para sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang Huwag Ka Na Lang Umuwi.

Wala naman daw siyang gustong sabihin o patunayan, gusto lamang niyang idaos ang kanyang passion sa pagkanta.

Juday at Piolo tinuldukan na ang ilusyon ng fans

Dapat sigurong tanggapin na ng mga maka-Piolo Pascual at Judy Ann Santos na wala nang trabaho na magkasama ang dalawa. Talagang nilagyan na ni Juday ng tukdok ang anumang posibilidad na magkasama pa silang muli ni Piolo sa trabaho. Tanggapin na ito ni Piolo at maging ng followers nila. After all, naka-move na silang pareho at hindi na nila kailangan ang isa’t isa. Makuntento na lamang ang fans na civil pa rin ang dalawa sa isa’t isa.

At hindi naman hayagan ang pagtanggi ni Juday ang kahit umapir man lamang sa isang event na kailangan ang presence nilang dalawa. 

Jak kaunting tiis na lang ang kailangan gawin kay Barbie

Kaunti na lang ang ipaghihintay ni Jak Roberto at puwede na naman silang magkitang magkasama ni Barbie Forteza. Palabas na kasi ang movie ng girlfriend niya with Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter.

Feeling ng marami ay nakatulong ng malaki ang paghihiwalay ng dalawa pansamantala para maging mas kapani-paniwala ang pagtatambal nina Barbie at Ken.

Pinipilahan ang movie ng dalawa ngayon sa kabila ng relasyon nina Barbie at Jak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with