^

PSN Showbiz

Kris inimbitahang mag-kape si Mocha!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Inimbitahan ni Kris Aquino si Mocha Uson na magkape. Para raw kay Mocha ang post ni Kris sa Instagram (IG) na “P.S. Kaya please wag nang mag lecture about an ‘unfaithful boyfriend?’ Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an Ex. Having said that, may i invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all i’m a nice person.”

Reaction at sagot ‘yun ni Kris sa blog post ni Mocha na she has nothing against Kris at isa itong mabait na tao basta ‘wag lang papasok sa politics.  Dagdag pa ni Mocha na hindi kasalanan ni Kris na ipinanganak siyang Aquino.

Hopefully, nakarating na kay Mocha ang invitation ni Kris. Inaabangan na ang magiging sagot ni Mocha sa invitation.

Solenn ‘pinatay’ para sa kasal ng kapatid

Kasama na uli si Janine Gutierrez sa cast ng te­leseryeng pagbibidahan ni Ruru Madrid. Sila ni Gabbi Garcia ang love interest ni Ruru sa teleser­yeng wala pang title pero naka-schedule na ang taping.

Noong una, inalis si Janine dahil nagbida na sa past teleserye sa GMA 7, pero nagbago ang plano at balik na naman siya sa cast. Maganda ang gagampanang role at karakter ni Janine, hindi siya kaiinisan ng fans nina Ruru at Gabbi at maaakusahang umeepal sa love team ng dalawa.

Speaking of Ruru, hindi ang karakter niya ang pinatay sa Alyas Robin Hood 2 at mukhang hindi na papatayin. Si Solenn Heussaff ang pinatay dahil aalis ng bansa para sa kasal nina Anne Curtis at brother niyang si Erwan Heussaff.

Ejay may hirit kay Paolo

Si Ejay Falcon ang leading man ni Paolo Ballesteros sa Barbi, D’ Wonder Beki at bumilib ang aktor na kahit sa rami ng hirap na pinagdaanan ni Paolo sa shooting, eh game pa rin ito at walang reklamo.

“Ang dami niyang isinakripisyo for this movie. Sa make-up pa lang, ang tagal niyang ginagawa at sa haba ng inilalagay na eye lashes, halos hindi na siya makadilat. Nakakabilib siya at ang love at dedication sa trabaho niya,” sabi ni Ejay.

Kinilig ang press people nang humirit si Ejay na sana naging babae na lang si Paolo.

Childhood friend ni Paolo ang role ni Ejay pero hin­di niya alam na may lihim na pagtingin sa kanya ito.

Abangan daw ang pelikula nila na showing sa November 29 para malaman kung may kissing scene sila. Mula ito sa direction ni Tony Y. Reyes. Co-produced ito ng OctoArts Films, T-Rex Entertainment at M-Zet Films ni Vic Sotto.

Malaking bagay daw kay Ejay na makasama si Joey de Leon at ang ibang Kapuso stars na sina Bian­ca Umali at Miguel Tanfelix.

Curios lang kami, payagan kaya ng ABS-CBN si Ejay na mag-promote ng movie sa Eat Bulaga at sa Lolas’ Beautiful Show?

Jak hindi umepal kina Barbie at Ken

Nasa second day na ng screening in more than 120 cinemas nationwide ang This Time I’ll Be Sweeter nina Barbie Forteza at Ken Chan. Masaya ang dalawa sa Grade B na ibinigay ng Cinema Eva­luation Board (CEB) sa movie nila.

Nasa premiere night ng Regal Multimedia movie si Addy Raj na nakasama nina Barbie at Ken sa Meant To Be. Si Ivan Dorschener naman ay hindi nakarating dahil nasa Japan kasama sina James Reid at Nadine Lustre. Wala rin si Jak Roberto na in fairness, hindi na pumunta bilang respeto sa love team nina Barbie at Ken.

Anyway, may mga naka-schedule na block screening ang KenBie Fans para sa movie ng kanilang favorite love team na kahit for reel ay at suportado nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with