^

PSN Showbiz

Nate nagulat sa pa-birthday sa US concert nina Ogie at Regine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahapon, November 8 ang ika-6th birth anniversary ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na si Nate (Nathaniel James) Velasquez Alcasid pero binig­yan ng advance surprise birthday song ng mga Pinoy audience ang bagets sa gitna na concert ng kanyang equally popular parents sa New York City, USA. Kasama ng mag-asawang Ogie at Regine si Nate maging ang panganay na anak ni Ogie na Leila sa ex-wife niyang si Michelle van Eimeren sa kanilang US tour.

Tuwang-tuwa siyempre si Nate maging sina Leila, Ogie at Regine na pansamantalang huminto sa kanilang performance to give way sa pag-awit ng happy birthday song sa kanilang unico hijo.

Kapag walang pasok sa school si Nate ay isinasama ito ng mag-asawang Ogie at Regine  sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa. First time namang sumama sa US tour ng couple si Leila.

Korean stars simple lang daw at walang kaere-ere

Alam mo ba, Salve A. na hinayang na hinayang ang anak kong si Aila Marie na hindi niya gaanong kilala ang karamihan sa mga K-Pop at K-Drama stars ng Korea dahil dalawang beses na umano siyang naka-miss ng pagkakataon na makipag-selfie sa ilan sa mga ito. Una sa Tokyo, Japan at pa­ngalawa sa isang kilalang hotel ng Seoul, Korea na pareho niyang nakasakay sa elevator.

In one occasion sa Tokyo ay may nakasabay siyang apat na guwapong young Koreans sa elevator na ngumiti pa nga raw sa kanya pero wala umano siyang kaalam-alam na mga sikat palang perso­nalidad ang mga ito. Pagbukas ng elevator ay may mga female fans na nagsilapitan na nagsisigawan at nag-uunahang magpa-picture sa apat. Doon lamang daw niya na-realize na kilala pala ang mga nakasabay niya sa elevator.

In another occasion, may nakasabay din siya sa elevator (in Seoul, Korea) na isang guwapong Korean na may ibang kasama, pagbukas ng elevator doon lamang niya nalaman na kilala ang nakasabay dahil sa sigawan ng female fans.

“Simple lang sila kung kumilos. Hindi sila mayabang pumorma. Kung hindi nga lamang sila pinagkaguluhan, hindi mo aakalain na mga sikat sila,” obserbasyon ni Aila.

Giant Christmas Tree sa RWM iilawan na

Ngayong araw na ito ng Huwebes, November 9 sa ganap na ika-5 ng hapon ay gaganapin ang Grand Fiesta Manila 2017 na may temang Fantasy Fanfair na sisimulan ng giant Christmas tree lighting ceremony sa The Plaza ng Newport Mall ng Resorts World Manila na susundan ng Thanksgiving Night sa Passion Restaurant. Ang nasabing okasyon ay susundan ng world-class concerts, Christmas presentations at kasama na rito ang tumatakbong musical production na Chitty Chitty Bang Bang at magtatapos sa Grand Countdown Party na gaganapin sa Marriot Grand Ballroom ng RWM sa New Year’s eve.

Alma hinihinging Christmas gift ang paglaya ni Mark

Nasa cloud 9 pa rin ang estranged parents ni Winwyn na sina Joey Marquez at Alma Moreno dahil sa panalo ng kanilang dalaga.

Kung masayang-masaya si Alma sa pagkakapanalo ni Winwyn sa 2017 Reina Hispanoamericana na unang sinalihan ng Pilipinas at ng buong Asya, hindi pa rin siyempre nawawala ang lungkot na kanyang nararamdaman sa tuwing naalaala ang kanyang panganay na anak na si Mark Anthony Fernandez (sa yumaong action star na si Rudy Fernandez) na mahigit isang taon nang nakakulong sa Pampanga na may kinalaman sa droga.

Bilang ina, hindi  nawawalan ng pag-asa si Ness (palayaw ni Alma) na makakalaya rin si Mark at ito ang kanyang hinihiling na Christmas gift sa Diyos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with