PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nakakaawang girl, young actress na naging liberated butata sa lalaking Ipinaglaban!

Nakakaawa naman ang isang young female personality na hanggang ngayon ay in denial pa rin tungkol sa tunay na saloobin sa kanya ng isang male personality na natutuhan na niyang mahalin.

Lantad ang pagmamahal ng young actress sa lalaki, ginagawa niya ang lahat-lahat para lang mapaligaya ito, hanggang sa dumating na nga siya sa puntong halos kinalimutan na niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang boyfriend.

Marami siyang nakalaban nang dahil sa male personality, pati ang kanyang pamilya ay tinabla na ng girl, nagkaroon sila ng tampuhan nang dahil sa lala­king ipinaglaban niya.

Pero mukhang talo ang babae sa mga nangyayari, hindi sinusuklian ng male personality ang mga ginagawa ng girl, kaya maraming nagsasabi sa kanya ngayon na hiwalayan na niya ang aktor.

Kuwento ng aming source, “Alam mo bang para sa happiness ng lalaking ‘yun, e, nakikipagsabayan sa kanya ang girl kahit pa laban sa kalooban niya ang mga pinaggagagawa niya?

“Naging liberated ang girl nang dahil sa kanya, maraming nanibago sa mga pinaggagagawa niya, all for the love ng babae sa boyfriend niya. Nakakalungkot dahil hindi naman siya ang priority ng lalaki!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Kahit ayos na ang usapan nilang magde-date, e, nagbabago pa rin ang plano kapag tumawag na ang mga kabarkada ng guy. Sa mga ‘yun siya sasama, isang sorry lang ang katapat nu’n sa girl, wala na siyang magawa.

“Kung kailan magigising sa katotohanan ang girl na hopiang-hopia (read: hoping) na mamahalin din siya ng guy, e, siya lang ang nakakaalam. Naging mundo na kasi niya ang guy, du’n na umiikot ang mundo niya, nakakaawa naman ang young actress na ‘yun,” napapailing pang komento ng aming impormante.

Matagal na palang pinagpapayuhan ng kanyang mga kaibigan ang young actress na una muna niyang mahalin ang sarili niya bago ang lalaki pero wala siyang pinakikinggan. Deadma lang siya, martyr. Napaka-martyr.

 “Nakakaawang girl, gamit na gamit na, e, wala pa siyang nararamdaman. Okey lang na deadma sa kanya ang guy, ang katwiran niya kasi, e, hindi niya isusuko ang relasyon nila sa puro mga sabi-sabi lang,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

John Lloyd hinihintay pa ring ‘magising’!

Matagal-tagal na ring hindi nararamdaman ang presensiya ni John Lloyd Cruz. Mukhang masyado na siyang nasasarapan sa kanyang pagbabakasyon. Maraming nag-aalala sa magaling pa namang aktor.

Sabi nga ng isang nakakuwentuhan naming kilalang direktor ay hindi na raw totoo ang kasabihang over exposure ngayon sa hanay ng mga artista. Baligtad na raw ang senaryo ngayon.

“Wala nang over exposure ngayon, instead, it’s whom you see now, kapag nagka-casting ang mga production. Kung sino ang mga active, ‘yun ang naaalala, kaya nakaka-alarm ang situation ni John Lloyd,” pahayag ng direktor na kausap namin.

Kakambal ng paglimot ang pagkawala, lalo na ngayong napakaraming nagsusulputang baguhan na magagandang lalaki rin at mahuhusay umarte, napakabilis ng transisyon ng mga personalidad ngayon.

Huwag naman sanang mahimbing sa pagkakatulog ang career ni JLC. Oo nga’t bibihira lang ang tulad niya at palaging may first time. Paano kung sa kanya tumama ang kasabihang ‘yun? Paano kung siya ang maging unang magaling at guwapong aktor na kinalimutan ng kasaysayan dahil sa kanyang pagpapabaya?

Sana’y maisip din ni John Lloyd ang mga pinagdaanan niyang hirap at sakripisyo bago siya naging sikat at bankable actor. Hindi simple ang lahat para sa kanya, pinagtrabahuhan niya nang wagas ang nagningning niyang pangalan, nakapanghihinayang naman kung basta-basta na lang lilipad ang mga biyaya at oportunidad nang palayo sa kanya dahil lang sa pagpapabaya niya.

Siguradong may babalikan pa si John Lloyd Cruz, nag-aabang pa rin ang mundo ng showbiz sa kanyang pagkagising at pagbabalik sa mundong minahal niya, pero ang tanong ay hanggang kailan nga ba maghihintay ang mga sumusuporta sa kanya?

Ang payo ng mga kababayan natin kay JLC ay simple lang, madaling intindihin, “Hoy, gising!”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: