PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Venus Raj hindi takot maging matandang dalaga

Korina hindi na empleyado ng ABS-CBN!

SEEN: Nakatakda sa Linggo, November 12, ang cremation ng bangkay ni Isabel Granada at magsisimula bukas, November 11 ang public viewing sa kanyang labi sa Santuario de San Jose, East Greenhills, Mandaluyong City.

SCENE: Napag-uusapan na nina Aicelle Santos at Mark Zambrano ang pagpapakasal. Thirty two years old na si Aicelle at 40 na ang edad ng kanyang boyfriend na reporter ng GMA 7.

SEEN: Ang Music Museum ang venue ng Awit na Aicelle, ang second major concert ni Aicelle Santos sa November 24. Special guests sa Awit na Aicelle sina Gary Valenciano, Bullet Dumas, Myke Salomon, at ang The Company.

SCENE: Nagkakaedad na siya ang dahilan na sinabi ng former beauty queen na si Venus Raj kaya hindi na siya magsusuot ng swimsuit sa mga pictorial. Tatlong taon nang walang boyfriend si Venus na hindi natatakot sa posibilidad na hindi siya magkakaroon ng asawa.

SEEN: Ang balita na talent na lamang si Korina Sanchez ng ABS-CBN dahil nag-retiro na siya bilang empleyado ng ABS-CBN. Mananatili si Korina na host ng kanyang Sunday night program, ang Rated K.

SCENE: Sina Rhian Ramos at Edgar Allan Guzman ang special guests sa Let’s Talk About Ex, ang Sunday episode ng Dear Uge sa November 12.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SECNE: Si Top Suzara ang composer ng ‘Wag Ka Nang Umuwi, ang single ni Matteo Guidicelli na tungkol sa isang lalaki na ayaw munang pauwiin ng bahay ang girlfriend niya. Personal request ni Matteo kay Top na ipag-compose siya ng kanta para sa kanyang album.

SEEN: Nadala ng emosyon si PNP Chief Ronaldo “Bato” dela Rosa kaya minura niya ang suspect sa pagpatay kay Gerardo Maquidato, Jr., kahit may mga nakatutok sa kanya na camera. Si Maquidato, Jr. ang Good Samaritan Grab driver na pinatay ng kanyang pasahero na si Narc Delemios at tumangay sa sasakyan niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: