PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kisses mas safe ang pakiramdam na hindi na ka-loveteam si Marco

Kamakailan ay napabalitang nabuwag na ang tambalan nina Kisses Delavin at Marco Gallo o mas kilala sa tawag na KissMarc. Ngayon ay may bulung-bulungan na kay Edward Barber na diumano itatambal si Kisses.

Sa kasalukuyan ay katambal ni Edward si Maymay Entrata at mas kilala ang tambalan nila bilang MayWard. “May respeto ako sa partner ni Edward. May respeto po ako sa lahat ng kaibigan ko. Hindi po ako open na maki-partner sa partner ng kaibigan ko,” paglilinaw ni Kisses.

Mas masaya raw ang pakiramdam ngayon ng baguhang aktres nang mabuwag na ang tambalan nila ni Marco. “If may part sa akin na nalulungkot, ‘yung fans, ‘yung KissMarc supporters kasi love ko sila. It hurts me to think na nagdurugo ang puso nila because of the love team. What I can promise them is that it’s for the best. Talagang ngayon I feel happier, I feel blessed, I feel free, I feel comfortable, I feel safe,” makahulugang pahayag ni Kisses.

“I don’t want to say anything more. Ang masasabi ko, we are better off like this and para sa mas ikakasaya ng karamihan ng tao ‘yung ganito,” giit pa niya.

Chuckie may pinagsisisihan sa pagkamatay ni Isabel!

Ngayong araw nakatakdang dumating sa bansa mula Qatar ang mga labi ng namayapang aktres na si Isabel Granada. Ayon sa malapit na kaibigan na si Chuckie Dreyfus ay nakapag-usap pa sila ni Isabel bago pumunta sa Qatar ang aktres kamakailan.

“Nag-message siya sa akin. Kasi madalas siya mag-message sa akin at madalas siyang makipag-usap. Kasi nalaman niya bumalik ako sa gym. Si Isabel napaka-competetive at very active sa sports. Gusto niya yata sumabay sa akin sa gym. So nagpapasama, sabi niya kung puwedeng dalhin ko siya roon at ipakilala sa trainer ko. Madalas naman po kaming magkita,” kuwento ni Chuckie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

May ilang bagay na pinagsisisihan ang aktor ngayong wala na ang kanyang kaibigan. “Madalas din ‘yang mag-message na tara labas tayo or kahit mag-dinner naman tayo. Ngayong wala na si Isabel, parang nagsisisi ka na sana ay naibigay ko lahat ng oras na hinihingi niya. Kasi madalas nga siyang nagyayayang lumabas. So sana mas binigyan ko ng importansya. Sana nakagawa ako ng paraan, oras para magkita kami nang mas madalas pa,” pagdedetalye ni Chuckie.

May mensahe rin ang aktor para kay Isabel na kanyang kasabayan noon bilang child star at nakatambal din sa ilang mga proyekto sa pelikula at telebisyon. “Alam kong nakikinig siya ngayon, mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan, isa ka sa mga taong naghulma ng aking pagkatao. Malaking bahagi ka ng buhay ko, isang malaking parte ng buhay ko ay nawala noong nawala ka. Hinding-hindi ko ‘yon maibabalik kailanman,” emosyonal na pagtatapos ng aktor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: