PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paolo nakakaiwas sa tsismis ng driver!

Parang si Gina Pareño si Paolo Ballesteros dahil ito ang nagmamaneho ng sasak­yan niya as in hindi siya kumukuha ng driver at walang personal assistant.

Can afford sina Gina at Paolo na magpasuweldo ng mga driver at personal assistant pero may mga artista na kagaya nila na sanay na lumalakad nang solo.

Actually, may advantage ang hindi pagkakaroon ng mga tsuper at alalay dahil iwas sa tsismis ang mga artista.

Maraming alam na mga sikreto ang mga driver at ang mga PA. Sila ang credible na source ng mga balita kaya ang dami-daming pinag-uusapan ng mga driver ng mga celebrity kapag nag-uumpukan sila at waiting sa kanilang mga amo.

Pero may mga driver at PA na talagang mapagkakatiwalaan. Hindi sila nagsasalita o nagkukuwento tungkol sa kanilang mga bossing, kahit alukin ng malaking halaga ng datung. Ang mga ganyang klase ng staff ang masarap na kasama dahil feeling safe ka  kaya parang miyembro na rin ng pamilya ang trato sa kanila.

Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ang mga artista ng loyal at mapagkakatiwalaan na driver, PA at kasambahay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Joey Ipinamana na ang trono kay Paolo

Ang feeling ni Paolo Ballesteros, may gusto sa kanya si Ejay Falcon, ang leading man niya sa Barbi, D’ Wonder Beki.

Ang pakiramdam naman ni Ejay, type siya ni Paolo na I’m sure, kinilig sa pralala ng co-star niya.

Hindi naman nakapagtataka na magustuhan si Paolo ng mga mhin, lalo  na kapag nakabihis-babae na siya dahil ang ganda-ganda niya.

Barbi ang karakter ni Paolo sa Barbi, D’ Wonder Beki at Barbie doll na Barbie doll ang hitsura niya sa presscon noong Martes.

Ang husay ni Paolo sa make-up transformation at sa comedy ang mga dahilan kaya fan na fan niya si Papa Joey de Leon, ang original Barbi.

Ipinamana na ni Papa Joey kay Paolo ang kanyang trono. Tatlong Barbi movie ang ginawa noon ni Papa Joey at wish nito, mapantayan ni Paolo ang kanyang record.

Kasal nina Chynna at Kean kakaiba

Congrats kina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na nagpakasal sa pa­ngalawang pagkakataon noong Martes.

Kakaiba ang kasal ng dalawa dahil gray at hindi puti ang kulay ng wedding gown ni Chynna. Sabay rin sila ni Kean na nagmartsa papunta sa altar ng simbahan.

Ginanap naman ang wedding reception nila sa aking favorite na Pio’s Kitchen. Na-miss ko tuloy ang mga pagkain sa Pio’s Kitchen at magandang serbisyo ng staff sa kanilang mga kostumer.

Alessandra at Ivan tagos daw sa puso ang mga dialogue sa 12

Marami ang nagsasabi sa akin na maganda ang kuwento ng 12, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Tungkol sa dalawang tao na maghihiwalay ang kuwento ng 12. Ang kuwento ng mga nakapanood, iyak sila nang iyak pagkatapos panoorin ang pelikula nina Alessandra at Ivan dahil tagos sa puso ang mga dialogue ng mga karakter. Hindi raw nila ine-expect na maganda ang 12 at malakas ang epekto nito sa kanila.

Dalawang beses na nagkaroon ng special screening ang 12 bago ito ipinalabas sa mga sinehan dahil natuwa ang Viva Films sa mga positive at glowing feedback na natanggap nila. Tiniyak ng Viva Films bosses na hindi masasayang ang oras at pera ng mga nagbabalak na panoorin ang 12.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: