PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mayor Kring Kring inaalala ang delubyo ng Tacloban

Alfred Romualdez

MANILA, Philippines — Hindi nakarating sa 4th commemoration ng super typhoon Yolanda si President Rody Duterte kahapon.

Nasa original program ng Padayon Tacloban ng City Go­vernment of Tacloban sa pangunguna ni Mayor Cristina Romualdez na magbibigay ng mensahe ang pangulo.

Si Under Secretary Wendel Avisado ang ipinadala niya para sabihing patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang matapos ang lahat ng proyekto at patuloy na maiahon ang winasak ng kalamidad.

Ipinaabot din niya sa pamamagitan ni Usec. Avisado na mahal na mahal niya ang mga Taclobanons.

Si Mayor Duterte ang isa sa kauna-unahang dumamay noon kay dating Mayor Alfred Romualdez. Mayor pa siya noon ng Davao.

Ayon kay Usec. Avisado, tumulak si Pangulong Duterte kahapon pa-Vietnam upang dumalo sa 18th Leaders Summit na gaganapin din sa bansa next week.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anyway, bagama’t makikita mo pa rin ang lungkot ng Taclobanons sa delubyong kanilang naranasan four years ago, tanggap na nila ang nangyari. Normal na uli ang kanilang pamumuhay at tulad nga ng sinabi ng pari sa kanyang homily sa memorial mass last Tuesday night, lahat naman ay mamamatay, nauna nga lang ang mga naging biktima ng Yolanda. At sa ganung paraan nga lang sila namayapa. Kaya ipagdasal na lang daw natin ang kaluluwa maging ang hindi na mga nakuha ng mga kamag-anak nila.

Klarong-klaro rin sa memorya ni former Tacloban Mayor Alfred kung ano ang dinatnan niya sa Anibong, isang lugar sa Tacloban kung saan sumadsad ang isang cargo vessel na humampas sa mga kabahayan doon at kumitil ng buhay ng maraming nakatira sa nasabing lugar.

Ngayon ay isa na itong memorial marker matapos kausapin ni former Mayor Alfred ang may-ari ng ship na ibigay na lang sa local government ang harapang bahagi nito. Nagkaroon ng pag-aalay candle at wreath laying doon nung Martes ng gabi.

At kahapon naman, isang misa rin ang ginanap, November 8, ang actual date ng paghagupit ng Yolanda, na ginanap sa Astrodome.

Bago ‘yun ay nagkaroon ng Commemorative Walk (from City Hall to Astrodome, wreath laying and candle offering.

“Four years after, we still observe every 8th of November as a solemn day to commemorate the tragic loss of our loved ones. We despair for the passing of fa­mily or friends, but at the same time, we feel enormously grateful for the outpour of love and solidarity.

“We offer this day to the generous and selfless persons who helped our city recover and rebuild itself,” simula ng speech ni Mayor Kring sa overwhelming na tulong ng foreign governments, private organizations and NGO’s all over the world. “We cannot name everyone, but thank you for doing life changing work here in Tac­loban. Indeed, the worst of times can bring the best out of our countrymen and our friends,” dagdag ng dating actress.

Bukod dito, inilatag din niya ang mga proyektong natapos na at kasalukuyan pang tinatapos at ang recognition na na-achieve ng kanyang pamunuan sa loob ng isang taon sa tulong ng mister na si ex-mayor Alfred.

Nagkaroon din ng reenactment and inspirational numbers.

Kinagabihan ay mayroon ding lighting of candles on major streets and releasing of sky lanterns sa Balyuan Amphitheater. Siniguro ng local government ng Tacloban na biodegradable ang ginamit na sky lanterns kaya wala itong masamang epekto sa environment.

Black bouquet ni Chynna hindi kinasanayan

Parang naweirduhan naman ako sa almost black na bouquet ni Chynna Ortaleza-Cipriano.

Oo nga at unique pero hindi masaya ang hitsura. At siguro hindi rin usual thing sa Pinoy wedding.

Meron naman akong nakita sa Pinterest na black bouquet pero may touch of white or lumulutang ang white. Black calla lily raw ang nasabing bouquet.

Ikinasal ang dalawa sa simbahan at may black din ang train ng gown ng Kapuso actress na gray ang color base sa mga nakita kong photos sa social media.

Black ang motif kaya maging ang mga ninong at ninang ay naka-black ang damit.

Wala rin daw fresh flowers na ginamit sa simbahan, pawang dry leaves ang naka-decorate sa simbahan. Maging sa reception, black ang mga nasa centerpiece.

Anyway, choice nila naman ‘yun at tiyak masaya sila sa naging hitsura nito dahil kakaiba nga ang naging kasalan nila.

Congrats to Kean Cipriano and Chynna.                                              

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: