^

PSN Showbiz

Coco hihinga muna sandali sa trabaho

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kapuri-puri naman na hindi man lamang naapektuhan ng bahagya ang FPJ’s Ang Probinsyano kahit pa nilalagare ito ni Coco Martin kasabay ng pagmamadali niyang matapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry na Ang Panday. Walang eksena na lumaylay sa AP at sa halip ay naging mas maigting pa ang mga eksena. Hangang-hanga nga ang mga nakasama ni Coco sa dalawang proyekto dahil sa kabila ng pagratsada sa trabaho ay never siyang kinakitaan ng pagkabagot at pagi­ging masungit.

Ngayong wrapped-up na siya sa shooting ng Ang Panday ay hihinga muna sumandali ang bida ng Ang Probinsyano bago sumabak muli sa mahirap na trabaho ng post-production ng MMFF entry niya dahil direktor pa rin siya, prodyuser, at kabilang din sa creative team ng pelikula.

Mark pakakasalan na si Winwyn!

Buti naman at napangatawanan ni Winwyn Marquez ang pangarap na maging beauty queen. Buong akala niya ay natapos na ang pangangarap matapos matalo sa Binibining Pilipinas pageant. At kahit nung manalo siya sa Miss World Philippines para maging kauna-unahang representative ng ating bansa sa Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia ay mga negative comment pa rin ang tinanggap niya.

Itinanghal siya bilang kauna-unahang Asian na nakakuha ng titulo. Nagbubunyi ang lahat, lalo na ang mga kamag-anak niya na marami ay beauty queen.

Pinakamasaya marahil si Mark Herras dahil nakuha na ng nobya ang nagsisilbing balakid para sila makapagpakasal.

James hindi dapat pabayaan

Hindi naman siguro pababayaan si James Reid ng mga kababayan at tagahanga para manalo sa MTV EMA’s Best Southeast Asian Act.

Magaling siya at kung puwedeng daanin sa mga boto lamang ang panalo niya, bakit hindi natin ito ibigay?

Huwag naman kayong pumayag na matalo ang bet natin dahil lang sa boto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with