^

PSN Showbiz

Magaling na may edad na aktor laging gustong umuwi ‘pag nasa shooting

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Inupuan ng isang malaking produksiyon ang pagka-casting sa malaking pelikulang gagawin nila. Nandu’n ang magiging direktor ng proyekto, ang mga prodyuser, kumpleto rin ang production staff.

Tapos na sila sa mga bida, wala nang problema kung sinu-sino ang mga poposte sa pelikula, mga sikat at mahuhusay na artista ang napili nila.

Nasa second lead na sila. Nandu’n na sa listahan ang mga pangalan ng mga personalidad na may malaking papel ding gagampanan sa buhay ng mga bida.

Check ang isa, check uli ang isa pa, pero biglang huminto ang buong tropa pagdating sa pangalan ng isang magaling at medyo may edad nang aktor.

Kuwento ng aming source, “Walang may gusto sa kanya sa grupo. Maga­ling talaga siya, wala namang question sa talent niya. Palagi lang siyang take one, walang mairereklamo ang production sa acting niya.

 “Pero sa work ethics, e, may reklamo ang tropa. Mahirap siyang katrabaho dahil kararating pa lang niya, ang tanong na niya agad, e, ‘What time ang pack-up ko?’

“Ano ba naman ‘yun? Ni hindi pa nga siya nakapag-uumpisa, e, pack-up na agad ang itinatanong niya? Kapag ongoing na ang shooting, e, kinukulit niya ang production staff, anong oras daw ba siya pakakawalan?

“E, nakatapat siya ng isang staff na napakadiretso ng dila, ang sagot sa kanya, ‘Alam n’yo po kung ilang sequences ang gagawin n’yo, ‘di ba? Kapag tapos n’yo na ang lahat, pack-up na kayo!’

“Pero matigas talaga ang ulo ni ____(pangalan ng magaling na aktor na may edad na), nangungulit pa rin siya, ang direktor naman ang lalapitan niya. ‘Direk, unahin mo na ang mga sequences ko para makauwi na ako!’

“Sino ngayon ang magkakagusto sa ganu’ng artista? Tinanggap niya ang project, wala sa usapan na pagdating niya, e, siya agad ang kukunan at hindi siya maghihintay. Pero palagi siyang ganu’n, kaya iritado sa kanya ang buong production.

“Tinanggal ang name niya sa cast kahit pa siya dapat ang the best para sa role na ‘yun. Pinalitan siya ng kasamahan niyang hindi gaanong magaling, pero masarap katrabaho.

“Ang mga anak ng personality na ‘yun, e, nag-aartista na rin, huwag sana silang matulad sa tatay nila na masyadong makuwenta sa oras. Tatanggap ng project, tapos, e, magmamadali?

“Naku, para hindi siya naiinip sa shooting, e, kumanta na lang muna kasi siya. May bagay na piyesa sa kanya, ____ de kutsilyo de armasen, haw-haw de carabao batuten!” pagtatapos ng aming source na napapailing.

Ubos!

Kaya sinusuwerte Liza nagpapadala ng tulong sa nanay na may ibang pamilya sa Amerika

Hindi lang basta maganda si Liza Soberano. Ang kanyang ganda ay sa pangloob at sa panglabas. Dapat lang naman palang biyayaan ang magandang young actress dahil napakarami niyang napaliligayang mahal sa buhay.

Napakaraming endorsements ngayon ni Liza Soberano, lahat na yata ng mga produktong pang­kabataan ay siya ang tagapagbenta sa publiko, bukod  pa ‘yun sa mga pelikulang ipinagkakatiwala sa kanya ng Star Cinema.

Abala ngayon ang dalaga para sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para magbida sa makasaysayang seryeng Darna. Halos araw-araw ang kanyang rehearsal sa pagsayaw (para sa mabilis na footwork), sa mga routine, sa pag-arte.

Ang kinikita ni Liza ay hindi niya sinasarili lang. Nagpapadala rin siya ng tulong sa kanyang ina na naninirahan sa Amerika. May sarili na itong pamilya ngayon, may apat na anak, kaya tinutulungan sila ng young actress.

May pamilya na rin ang kanyang ama, magkakasama sila sa bahay ng kanyang ama at stepmom, napakaayos ng kanilang samahan. Kitang-kita naman sa aura ni Liza ang pagiging masaya na ang pinag-uugatan ay ang kanyang pamilya.

Sa lahat ng kanyang mga proyekto ay hindi rin niya pinababayaan ang naka-discover sa kanya bago siya napunta sa pangangalaga ng kanyang manager na si Ogie Diaz, kabahagi ito sa lahat ng perang pumapasok sa kanyang kaban, pinagkasunduan nila ‘yun ng kanyang manager.

Walang dahilan para hindi lumaki nang lumaki ang pangalan ni Liza Soberano na habang tinititigan mo ay lalo pang gumaganda. Sa maganda niyang paghawak sa kanyang tagumpay na hindi lang siya ang nakikinabang ay talagang magiging mabait sa kanya ang kapalaran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with