^

PSN Showbiz

Albie mas masayang hindi pinag-uusapan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya ngayon si Albie Casiño dahil natigil na ang mga intrigang kina­sangkutan niya noon na may kinalaman kay Andi Eigenmann at sa anak ng aktres.

Para kay Albie ay mas mabuting walang isyung pinag-uusapan tungkol sa kanya. “Tuwang-tuwa lang ako sa totoo lang. Mas gusto ko talaga ‘yung ganito, ‘yung walang intriga. Okay lang na hindi mapag-usapan, mas okay sa akin ‘yung gano’n. Dati ayaw kong mag-attend ng presscon, pero ngayon okay lang, kasi wala na silang matatanong sa akin eh, wala na,” paliwanag ni Albie.

Maraming mga bagay ang natutunan ng binata mula sa naging relasyon nila ni Andi noon. “Na-realize ko lang talaga na bata pa ako no’n. Kasi ‘di ba kapag bata ka, akala mo pagdating mo ng 18 matanda ka na, kaya mo na ang sarili mo. At least na-realize ko na I’m still growing into the person I’m going to become. Ngayon, I’m still transitioning into the person I will be,” pagbabahagi ng aktor. 

Samantala, isa si Albie sa mga dapat abangan sa Bench fashion show na gaganapin sa November 18 sa MOA Arena. Magpapaseksi raw ang aktor para rito dahil iniendorso na rin niya ang nasabing brand. “Work ‘yon, ano naman kung magsuot ako ng underwear? Pinaghandaan ko rin naman ‘yung katawan ko. Ang tagal ko na ring inayos ‘yung katawan ko at saka hindi naman ‘yon bastos. Nasobrahan na nga ako sa ASAP before, lagi akong nakahubad do’n. Sigurado akong marami silang makikita do’n,” natatawang pagtatapos ni Albie.

Ariel nangangailangan ng pera?!

Malaki ang pasasalamat ni Ariel Rivera dahil sa pagbibigay muli ng ABS-CBN ng isang bagong proyekto. Kabilang ang aktor sa teleseryeng pagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

“This is home for me. I started dito sa ABS-CBN, I was built here. I learned the ways here. I’ve always thought this to be my home. Mayroon lang tayo minsang vacation home, napupunta ako sa kabila, but this has always been my home,” bungad ni Ariel.

May ilang mga konsiderasyon ang singer-actor sa mga proyektong kanyang tinatanggap. “First and foremost, before I accept any project, it’s always, anong klaseng project? Ano’ng role ko? I ask first kung anong gagawin ko. I have to have challenge or enjoy, or like the story before anything else,” nakangiting pahayag ni Ariel.

“Kailangan ko ng pera eh,” pagbibiro pa niya.

Matatandaang ang teleseryeng Born For You na pinagbidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona noong isang taon ang huling proyektong ginawa ni Ariel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with