^

PSN Showbiz

Isabel iki-cremate

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ipapa-cremate ng pamilya ni Isabel Granada ang mga labi niya pero magkakaroon muna ng public viewing para sa singer-actress na pumanaw sa Doha, Qatar noong November 4.

Inaasahan ang pagdating ng bangkay ni Isabel sa Pilipinas sa Huwebes, November 9 samantalang dumating na sa Pilipinas noong Linggo ang kanyang ina, si Mommy Guapa, ang anak na si Hubert at ang ex-husband na si Jericho Aguas.

Nag-meeting na ang showbiz friends ni Isabel dahil tutulong sila sa pag-aasikaso sa burol ng aktres na aneurysm ang ikinamatay.

Nagpasalamat si Hubert sa lahat ng mga nagdasal para sa nanay niya. Pinasalamatan din ni Hubert si Isabel dahil sa pagmamahal nito sa kanya.

Winwyn parang nananaginip pa rin!

Parang nananaginip pa si Winwyn Marquez dahil hindi ito makapaniwala na siya ang nanalo na Reina Hispanoamericana 2017.

Tutol si Joey Marquez sa pangarap ng kanyang anak na maging beauty queen ito pero wala siyang nagawa. At least, tinupad muna ni Winwyn ang pangako nito sa kanyang ama na tatapusin muna niya ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz at sa mga beauty pageant.

Hindi mapipigilan ni Joey si Winwyn dahil beauty queen ang kanyang half-sister na si Melanie Marquez na may anak din na nangangarap na sumali sa beauty pageant, si Michelle Dee, ang anak ng former Miss International sa action star na si Derek Dee.

Mabuti na lang talaga, nanalo si Winwyn sa Miss World Philippines at sa Reina Hispanoamericana dahil napatunayan niya kay Joey na tama ang desisyon niyang sumali sa mga beauty contest.

Nasa lahi talaga ng mga Marquez ang beauty queen, artista at model dahil kapatid din nina Joey at Melanie si Via Marquez-Hoffman na sikat na model noon at nag-produce ng mga pelikula under VH Films, ang Hindi Mo Ako Kayang Tapakan, Kaya Kong Abutin Ang Langit, at Tagos ng Dugo. Hindi basta model at movie producer si Via dahil siya ang sumulat ng script ng Hindi Mo Ako Kayang Tapakan at Kaya Kong Abutin Ang Langit na hit movies noong 1984.

Alma hindi na puwedeng bumiyahe ng mahaba

Proud na proud si Alma Moreno sa bagong achievement ni Winwyn.

Saksi si Alma sa mga sakripisyo at paghahanda ni Winwyn para sa Reina Hispanoamericana kaya tuwang-tuwa siya dahil winner ang anak niya.

Kinumpirma ni Alma na totoo ang kuwento ni Winwyn na hindi siya kasama sa Bolivia dahil ipinagbawal ng doktor niya.

Hindi na bagets si Alma kaya bawal sa kanya ang mapagod at ang mahabang oras ng biyahe dahil baka tumaas ang blood pressure niya.

Noong kasagsagan ng training ni Winwyn bago ito pumunta sa Bolivia, may mga araw na hindi sila nagkikita ng nanay at tatay niya dahil naka-focus siya sa training.

Hindi na rin sila nakakapag-date ni Mark Herras kaya sinasamahan na lang siya ng kanyang dyowa sa mga pictorial at ibang activities niya.

Maganda ang resulta ng sacrifices ni Winwyn dahil nakapagdala siya ng karangalan para sa Pilipinas kaya sulit na sulit ang pagod at hirap niya.

Personal na nagkausap sa cellphone sina Alma at Winwyn, dalawang oras matapos na koronahan ito bilang Reina Hispanoamericana. Hindi agad nakatawag si Winwyn kay Alma dahil sa rami nang mga nag-interbyu sa kanya pagkatapos ng coronation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with