^

PSN Showbiz

Pauleen napaaga ang panganganak, Vic aminadong iba pa rin ang kamandag niya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Nanganak na si Pauleen Luna-Sotto nung isang gabi ng panganay nila ni Bossing Vic Sotto. Napaaga raw ang panganganak ni Mrs. Sotto ng malusog nilang baby girl.

Si Allan K sa Eat Bulaga ay gulat nang sabihin ni Vic na  nagpapabati si Mrs. Pauleen Luna-Sotto.

“Happy birthday!,” sabi naman ni Allan K.

Pero kinorek nina Vic at Joey de Leon na hindi si Pauleen ang nagsi-celebrate ng birthday.

Sinagot ni Vic na nanganak na nga ang misis.

Kasalukuyan pa raw nasa hospital si Pauleen.

“Mayroon tayong bouncing baby girl. Umalis ako ng ospital, tumatalbog-talbog pa talaga,” sabi ni Daddy Vic sa programa nila kahapon ng tanghali.

“Makamandag pa rin ako,” say pa ng proud daddy sa ika-limang  anak.

Meron siyang dalawa kay Dina BonnevieDanica and Oyo na may kanya-kanya na ring pamilya; isa kay Coney Reyes – si Vico na councilor ng Mandaluyong and kay Angela Luz na si Paulina na kakakasal lang.

Kaya lang wala pang ipinakikitang photos ng baby ang mag-asawa.

Bagama’t may binanggit na pangalan ng baby si Nay Lolit Solis na manager ni Pauleen, naloka raw siya na mas nauna pa ang panganganak ng alaga kesa sa birthday nito. “Naku iyan si Pauleen Luna-Sotto kaloka. Imagine, mas nauna pa sa birthday niya ang anak niya. Sana sabay para isang celebration na lang, pero hindi pumayag ang baby girl niya nauna pa rin,” tumatawang comment ng talent manager na kolumnista rin ng PSN. “Alam ko ang pangalan niya may Lita galing sa Bible,” pagbubuking pa ni Nay Lolit. Dadalawin daw niya ito ngayong araw at tatalakan kung bakit nanganak na agad.

Sure na rin daw na makaka-attend na ng kasal nina AiAi delas Alas and Gerald Sibayan sa December si Poleng.

James Reid

Vote pa more… James nangangamoy panalo sa MTV EMA

Made it to top 3 for MTV EMA’s Best Southeast Asian Act. Keep the votes coming in!,” balita ni James Reid sa kanyang social media accounts.

Kaya vote pa more for James ang kailangang gawin ng fans nila ni Nadine Lustre.

Madali lang actually na bumoto. Punta lang kayo sa website ng MTV EMA at mabilis n’yong mahahanap ang pangalan ni James.

Dalawang taga-Thailand, isang Indonesian, Singaporean, Vietnamese and  Malaysian ang kalaban ni Pedro Penduko - Isyana Sarasvati (Indonesia), Faizal Tahir (Malaysia), The Sam Willows (Singapore), Slot Machine (Thailand), Dam Vinh Hung (Vietnam), at Palitchoke Ayanaputra (Thailand).

Ang 24th annual MTV EMA ay magaganap sa SSE Arena sa London, Wimbley sa November 12.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with