^

PSN Showbiz

Angelica laya na sa pang-aabuso sa sarili!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica laya na sa pang-aabuso sa sarili!

Nangumpisal sa pinag-daanan

Mukhang inabuso ni Angelica Panganiban ang sarili sa pagmamahal kay John Lloyd Cruz.

Bagama’t wala siyang pinatutungkulan sa kanyang post kahapon, pero parang tungkol doon ang kanyang ibig sabihin.

Ngayon daw ay laya na siya at ramdam niyang masarap na unahin ang pagmamahal sa sarili.

Nagdiwang ng kanyang 31st birthday ang aktres noong November 4.

Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili. At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili. Pwede palang maging madamot. Pwede palang hindi na abusuhin. Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan. Pwede palang tumawa ng wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang pwede. Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba. Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin  salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makabuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko,” ang mahabang post ni Angelica.

Karen at Katherine

Pagkapanalo nina Winwyn at Karen, pagpanaw ni Isabel pinagkaabalahan sa social media

Aligaga ang lahat sa social media kahapon kahit Linggo.

Ang daming pangyayari.

Isabel Granada

Saturday night nang ganapin ang coronation night ng Miss Earth 2017 sa MOA Arena. Kinoronahan ang representative nating si Karen Ibasco

Si Karen ay inasahan na ang panalo. Hindi ito ang first time na nanalo ang Pinay sa Miss Earth.

Pumanaw si Isabel Granada, Linggo ng madaling araw. Saturday night pa lang ay ini-advice na kami ng isang correspondent naming naka-base sa Qatar na nag-decide na raw ang pamilya ni Isabel na tatanggalin na ang life support at maglalabas ng official statement. Pero hindi na namin nahintay dahil medyo late na. Nang makuha raw ang approval ng pamilya ay ang mga doctor na ang nagtanggal ng life support ayon sa reporter namin sa Qatar.

Nanalo rin si Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap ang coronation sa Bolivia, Sabado ng gabi roon. Big deal sa atin ang pagkakapanalo ni Winwyn dahil ito ang unang pagkakataon na may sumaling Asyano roon at nanalo pa na umano’y aabot sa P300,000 ang pamasahe bago ka makarating ng Bolivia. Pero wala ka naman palang kailangang visa para makapasok sa nasabing bansa sa South America.

Kaya talagang sabog ang social media - sa rami ng nakikiramay kay Isabel at nagko-congratulate kina Karen and Wyn.

Kanya-kanyang post ang lahat ng kanilang photos kasama sina Karen, Isabel and Winwyn.

Congrats Winwyn and Karen. Nakikiramay po kami sa naiwang pamilya ni Isabel na ang huling series na nilabasan ay ang A Love to Last nina Ian Veneracion and Bea Alonzo.

Balitang ibabalik sa Pilipinas ang mga labi ni Isabel sa Wednesday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with