^

PSN Showbiz

Matteo & Christian, Brace & Kira pahihirapan ni Kuya Kim!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasabak sina Matteo Guidicelli at Christian Bables ng pelikulang Ghost Bride at Brace Arquiza at Kira Balinger ng ASAP ngayong Linggo (Nobyembre 5) sa Matanglawin sa isang laro kung saan kailangan nilang masagot ng tama ang trivia questions ni Kim Atienza kung hindi ay kakainin nila ang mga pagkaing pinakaa­yaw nila.

Samantala, food trip naman ang pakay ni Isabela Vinzon ng The Voice Teens sa isang restaurant kung saan pwedeng makasabay kumain ang iba’t ibang uri ng ala­gang aso. Tampok din ang “werpa” ng mga cute na beagle na tumutulong sa pagsigurado sa kaligtasan ng mga tao sa komunidad.

Panoorin ang lahat ng ito sa pinaka-pinarangalang educatio­nal program sa bansa, Matanglawin, ngayong Linggo (Nobyembre 5), 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Grae sumanib kay Dimples!

Matututunan ni Louie (Grae Fernandez) ang pinakamaha­lagang aral sa lahat sa pagsanib niya sa katawan ng kanyang inang si Mary Jane (Dimples Romana) upang malaman ang matinding sakripisyo nito para sa kanilang pamilya sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents: Louie’s Biton (Nov 5).

Sa paggabay ng fairy god leather, natutunan ni Louie na magpatawad at pahalagahan ang kanyang pamilya matapos niyang mabuhay sa katawan nina Ralph (Aljur Abrenica) at Melissa (Louise Delos Reyes). Ngunit sa pakikipagsapalaran niya ngayon sa katawan naman ng kanyang ina, makikita ni Louie ang pagtitiis ni Mary Jane upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

Mula sa pagiging janitress hanggang sa pagbebenta ng mga pagkain sa gitna ng initan, gagampanan ni Louie ang lahat ng trabaho ni Mary Jane na tutulong sa kanyang magpakita ng lahat ng hirap at pagod ng kanyang ina.

Ngayong alam na ni Louie ang dinaranas na hirap ni Mary Jane, ito na nga ba ang oras para hu­mingi siya ng kapatawaran mula sa kanyang ina?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents: Louie’s Biton ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with