^

PSN Showbiz

Winwyn pinagsigawan ang pangalan ni Mark sa Bolivia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Good luck kay Winwyn Marquez dahil malalaman ngayong uma­ga (gabi sa Bolivia, November 4) ang kapala­ran niya sa Reina Hispanoamericana 2017.

Ipagdasal natin ang tagumpay ni Winwyn. Kung hindi man niya maiuwi ang Reina Hispanoamericana crown, maging runner up sana siya dahil mala­king karangalan na ito para sa Pilipinas.

Nagsalita si Winwyn na lalaban ito sa nasa­bing beauty pageant bilang Pilipina at hindi dahil sa pa­ngalan niya.

I’m sure, ipinagdarasal din ni Mark Herras na manalo sa Reina Hispano­americana ang girlfriend niya. Inamin ni Winwyn sa isang television guesting nito sa Bolivia na may boyfriend siya na Mark ang pangalan. Binati pa niya, on-air ang kanyang boyfriend na nag-encourage sa kanya na sumali sa Miss World Philippines para matupad ang dream niya na maging beauty queen.

Alma at Joey ‘di nakasama dahil sa manipis na hangin

Sure ako na excited din sina Alma Moreno at Joey Marquez na malaman ang resulta ng pagsali ni Winwyn sa Reina Hispanoamericana.

Hindi sumama sa Santa Cruz, Bolivia sina Alma at Joey dahil sa “thin air” issue. Pinayuhan sila ng kanilang doktor na huwag nang bumiyahe dahil manipis ang hangin sa Bolivia na baka hindi kayanin ng mga tao na may asthma na kagaya ni Joey.

May paraan naman para mapanood ng live ang coronation night ng Reina Hispanoamericana like sa Facebook o sa official website ng contest, ang www.promocionesgloria.com.

Hindi kasi nangyari ang sinabi ni Winwyn sa isang interview na baka makipag-negotiate si Arnold Vegafria sa GMA 7 para sa live telecast from Bolivia ng Reina Hispanoamericana.

Si Arnold ang national director ng Miss World Philippines na may hawak sa Reina Hispano­americana.

Ang alam ko, susunod si Arnold sa Bolivia para personal na bigyan ng moral support si Winwyn, ang official candidate ng Miss World Philippines sa beauty pageant na pinamumugaran ng Latina beauties.

Panalo ni Winwyn pinagdarasal

May ginawa na dasal para kay Winwyn ang fans and supporters niya. May-I-share ko sa inyo ang dasal na kanilang isinulat at ibinahagi ni Alma sa mga tagahanga ng kanyang anak.

Heavenly Father, we come to You with a grateful heart. We thank You for this Reina Hispanoamericana pageant, and the fellowship You granted us.

Thank You for creating a space where diversity is welcomed, accepted and the ladies can truly be themselves. We ask that You bless the Reina Hispanoamericana Organization, the judges and the contestants especially our dear Teresita Ssen.

There may be judges who will decide the final outcome, but God, You are the ultimate judge. Please guide our dear Teresita Ssen with Your grace so bright.

Let her shine in those stage lights.Thank You for molding her, preparing her, and positioning her to fulfill her destiny.Thank You for Your comfort that she may be refreshed and strengthened. Please bless her with wisdom, knowledge, courage, confidence and strenght.In all that she do, may she always give You the glory. We ask these through your Most Holy Name. Amen.

Rico J., tumagal ng apat na dekada ang career dahil sa pakikisama

Sa December 2  ang 40th anniversary concert ni Rico J. Puno at magaganap ito sa The Theatre ng Solaire.

Grabe, ang daming guests ni Rico kaya sure ako na sulit na sulit ang ibabayad ng mga manonood ng kanyang concert dahil malalaking artista at singer ang guests niya.

Isa si Rico J. sa pinakamabait na singer-actor kaya hindi nakapagtataka na marami ang type na umapir sa kanyang 40th anniversary bilang total entertainer.

Alam n’yo, si Rico J. ang isa sa mga una kong naharbatan ng gold necklace noon  dahil mahilig siya na magsuot ng mga alahas.

Isang salita ko lang sa kanya na give mo na sa akin ang kuwintas mo, give agad niya. Ganyang kabongga at generous ang Papa Rico J. ko kaya tumagal ng 40-years ang kanyang showbiz career. ‘Yung ibang mga kasabayan niya noon, wah na as in missing in action na!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with