^

PSN Showbiz

Dear Other Self mapapanood na agad sa TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo ang nakakatawang kuwento ng Dear Other Self, tungkol sa isang dalaga na nais tuparin ang kanyang pangarap sa kabila ng mga responsibilidad niya sa pamilya na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Nakasentro ang pelikula kay Becky (Jodi) na naguguluhan kung ipagpapatuloy niya ang pagiging breadwinner para sa pamilya o susu­bukin ang buhay na ninanais, ang magbyahe sa iba’t ibang lugar sa mundo habang bata pa siya. Isang araw, haharapin niya ang sunud-sunod na kamalasan na magdadala sa kanya sa dalawang magkaibang klase ng pamumuhay. 

Kasama rin sina Xian Lim at Joseph Marco sa Star Cinema film na ito na mula sa direktor na si Veronica Velasco. Ilan sa mga eksena ng pelikula ay kinuhanan pa sa itinuturing na Land of Smiles, ang bansang Thailand.

Unang ipinalabas sa mga sinehan ang Dear Other Self noon lamang Mayo. Kasama rin dito sina Paul Salas, Carla Martinez, Bodjie Pascua, Elaine Ochoa, at Anna Luna.

Abangan ang nakakatuwang kuwento ni Becky tungkol sa pangarap sa Dear Other Self sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo, 8pm. 

Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with