^

PSN Showbiz

Kuwento ng Best Sisters Forever sisimulan ang anniversary ng Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado, handog ng Magpakailanman sa kanilang month-long anniversary special ang tunay at nakakaantig na kuwento ng Lagdamat sisters, apat na magkakapatid na maagang naulila at walang ibang maaasahan kungdi ang isa’t isa.

Itinatampok sa episode na pinamagatang BSF: Best Sisters Forever: The Lagdamat Sisters Story sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Sheena Halili, Sanya Lopez, at Snooky Serna. Makakasama rin sina Juancho Trivino at Rafa Siguion-Reyna.

Matibay ang samahan nina Linsie (Diana), Gee (Sunshine), Leslie (Sheena), at Arriane (Sanya). Sa kabila ng nangyari sa pamilya, matatag at nananatili silang nagmamahalan. Ngunit muling masusubukan ang tibay nilang magkakapatid ng magkasakit ang bunsong kapatid na si Arriane ng chronic kidney disease. Ilang buwan lang ang lumipas ay naapektuhan na rin maging ang pandinig nito.

Hanggang saan kayang magsakripisyo at kumapit ng magkakapatid? O mas madali na ba para sa kanila ang iwan na ang isa’t isa at tuluyan nang maghiwa-hiwalay?

Mula sa direksyon ni Gil Tejada Jr., aba­ngan ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with