^

PSN Showbiz

Luis may kinairitahan kay Jessy nang magbakasyon sa Japan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Japan ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ayon sa aktor ay masaya naman daw ang naging biyahe kasama ang dalaga pero tumaba siya roon.

“We were able to take a well-deserved breather na nagpalusog obviously sa akin,” nakangiting bungad ni Luis.  Kahit nag-enjoy ay nainis umano ang binata dahil sa mahaba-haba nilang nilakad ni Jessy habang namamasyal sa Japan. “Siya (Jessy) kayang-kaya niyang maglakad nang sobrang layo. Ako talaga, naiirita ako, it’s not because napapagod ako. For some reason, kapag naglakad ako kahit medyo malamig, I start sweating,” kuwento ni Luis.

Kahapon ay ipinagdiwang ng inang si Vilma Santos-Recto ang ika-animnapu’t tatlong kaarawan. Ano kaya ang espesyal na regalo ni Luis para sa actress-politician? “Mayroon na siyang lahat. So this time problema naman ang ibibigay ko sa kanya, ha-ha-ha! She always prefers something special. Nothing expensive, nothing ganyan, so something special from the heart,” nakangiting sagot ni Luis.

Samantala, maraming reality at game shows na ang nagawa ng aktor sa ABS-CBN. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay pinapangarap daw ni Luis na makapag-host ng Game Ka Na Ba? na nagawa na noon ng amang si Edu Manzano at ni Kris Aquino. “Ang daming nagsasabi, Game Ka Na Ba? Gusto nila daw kahit paano i-take over ko ang Game Ka Na Ba? So we’ll see what the management has in store,” pagtatapos ng aktor. 

Miho ayaw magmadali kay young JV 

Si Young JV na umano ang bagong nagpapasaya sa puso ngayon ng Pinoy Big Brother 737 Big Winner na si Miho Nishida. Matatandaang naghiwalay sina Miho at dating karelasyon na si Tommy Esguerra noong Abril nitong taon.

“Masaya naman ako ngayon. Kasi merong nagpapasaya ng puso ko, bilang isang kaibigan. Wala namang masama makipagkaibigan at kilalanin mo ‘yung isang tao. So ini-enjoy ko lang ‘yung bawat araw,” makahulugang pahayag ni Miho.

Sa ngayon ay nililigawan pa lamang ng binata ang aktres. Sina Miho at Young JV ang magka-date sa nakaraang Star Magic Ball. “Oo, nililigawan po niya ako. Ayaw ko muna madaliin. Ayaw ko lang magmadali. Kasi siyempre, ‘yung nagawa ko na dati, ayaw ko na muli siyang ulitin dahil gusto ko getting to know each other po muna,” paliwanag ni Miho.

Samantala, may bulung-bulungan na ang GirlTrends na si Kelley Day naman diumano ang bagong nililigawan ni Tommy ngayon. Sina Tommy at Kelley din ang magkasama noong Star Magic Ball.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with