^

PSN Showbiz

Aktor inaasa sa GF ang mga branded na damit at sapatos!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung may mga artistang babaeng tinatatakan ng pagiging bilmoko ay meron ding mga male personalities na simple lang pero mahilig ding magpabili ng kanilang mga granatsa sa kanilang mga karelasyon.

Tulad na lang ng isang kilalang male personality na pinagpistahan isang gabi sa isang umpukan dahil sa mga anekdota ng kanyang pagiging bilmoko. Dalawang kilalang female personalities ang nakarelasyon niya na may magkaibang karanasan sa pagiging bilmoko ng aktor.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Matindi ang lalaking ‘yun, simple lang, pero magaling siyang humiling ng kung anu-anong kagamitan sa girlfriend niya. Aayaw-ayaw pa siya sa mga unang weeks ng relasyon nila, pero kapag nagtagal-tagal na sila, du’n na lumulutang ang pagiging bilmoko niya!

“Tuwang-tuwa kaya si ____(pangalan ng male personality) kapag nagkakaroon ng show sa ibang bansa ang girlfriend niya! Hindi dahil sa masosolo niya ang mundo at makapambababae siya kundi dahil siguradong makapagbibilin siya ng mga granatsa niya.

“Mahilig ang guy sa shoes, kaya kapag umaalis ang girlfriend niya, e, pinakamahina ang apat na pares ng sapatos na ipinagbibilin niya. May kuntodo pictures pa ang mga gusto niyang sapatos, ha?

“So, ang pobreng girlash naman, all mine to give sa boyfriend niya, naglalaan talaga siya ng time para makapag-ikot sa pinupuntahan niyang bansa, maibili lang ng mga sapatos ang boyfriend niya!

“Ganu’n palagi ang aktor na ‘yun, bilin kung bilin siya sa girlfriend niya basta nangingibang-bansa. Kinakantiyawan na nga ng mga friends niya ang babae na wala man lang siyang nabibiling stuff para sa kanya, kasi nga, puro lang para sa boyfriend niya ang reason ng pagsa-shopping niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Maporma ang aktor, halos lahat ng mga kagamitan niya ay branded, pero hirap na hirap naman siyang maglabas ng datung para sa kanyang mga granatsa.

“Mula ulo hanggang paa, puro branded ang isinusuot ng aktor na ‘yun. Bagay naman sa kanya dahil magaling siyang magdala, lalo na ng pantalon at sapatos niyang puro may markang yayamanin.

“Ay tama, mahusay siyang manamit, very dainty siyang tingnan, bagay na bagay sa kanya ang mga branded niyang polo shirt na siyempre, ang girlfriend din niya ang bumibili para sa kanya.

“Ang galing-galing kayang magdala ng damit ng lalaking ‘yun, lalo na ng mga branded niyang polo, panalo siya!” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming source.

Ubos!

Kris malabo raw mamulubi kahit habang-buhay walang trabaho!

May nakakuwentuhan kaming kaibigang yayamanin na may ideya kung gaano kayaman si Kris Aquino. Mahabang-mahaba raw ang pisi ng aktres-TV host, kahit daw habambuhay pa siyang mawalan ng trabaho ay kaya niyang ibigay ang lahat-lahat para sa kanyang mga anak na sunod na sunod pa rin ang kanyang mga granatsa, daang milyon daw ang iniingatang salapi ng mahusay na TV host.

Sabi ng aming source, “Passion lang talaga niya ang pagiging host and actress, ‘yun talaga ang ikinaliligaya niya, pero kung tutuusin, e, hindi na niya kailangan pang magtrabaho!

“Hindi nila mauubos na mag-iina ang kayamanang meron siya ngayon, kahit magliwaliw pa sila nang araw-araw sa iba-ibang bansa, ni hindi maaapektuhan ang ipon niya. Dati na siyang millionaire, pero dahil sa kasipagan niya, e, nadagdagan pa ‘yun nang nadagdagan.

“Biruan nga sa grupo namin ang paboritong tanong daw ni Kris sa kanyang PA, ‘How much did I make today?’ Ganu’n daw ang favorite question ni Kris tuwing umuuwi na siya mula sa pagwo-work.

“Kasi nga, ang laki-laki ng talent fee niya sa pagso-show at sa paggawa ng mga TV commercials, ‘di ba? So, ang itinatanong na lang niya, e, kung magkano ang kinita niya that day!” kuwento ng aming kausap.

Pero siyempre’y mas gusto ni Kris na kung may lumalabas sa kanyang kaban ay meron ding pumapasok. Habang wala pa siyang TV show at pelikula ay nagnenegosyo siya, pinagagalaw ni Kris ang kanyang pera, para kumita.

Nakakahiya ang pinaiiral na katamaran ng ibang artista d’yan kumpara kay Kris Aquino na sumusuka na sa kabusugan ang bulsa pero nagtatrabaho pa rin at propesyonal.

Nakakapanghinayang nga naman ang mga panahong dumadaan na walang nangyayari sa ating buhay. Minsan lang kumakatok ang suwerte, bonus na ang pangalawa, kaya kailangang samantalahin ‘yun hanggang may oportunidad na lumalapit sa atin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with