^

PSN Showbiz

Ghost Bride ni Kim naka-P14.3-M sa unang araw!;Ritz hindi umingay sa The Promise...

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Malapit nang matapos ang The Promise of Forever pero hindi nakatulong si Ritz Azul para umingay ang afternoon teleserye ng ABS-CBN na siya ang lead star.

SCENE: Ang pasasalamat ng direktor na si Chito Roño sa lahat ng mga nanood ng The Ghost Bride sa unang araw nito sa mga sinehan noong November 1. Natutuwa si Chito dahil P14.3 million ang first day gross ng The Ghost Bride na pinagbibidahan ni Kim Chiu.

SEEN: Kampante si Winwyn Marquez na nasagot niya nang maayos ang mga tanong ng judges ng Reina Hispanoamericana. Closed door ang panayam ng mga hurado kay Winwyn at sa ibang official candidates ng beauty contest.

SCENE: Si Freddie Aguilar ang makakasama sa Saturday concert sa Eat Bulaga ng The Broadway Boys. Isa si Freddie sa mga haligi ng Original Pilipino Music.

SEEN: Hindi sineseryoso ang balita na handa si Cogie Domingo na tumulong sa drug war ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Tumanggi si Cogie na sumailalim sa drug test kaya hindi pinaniniwalaan ang intensyon niya na tumulong sa drug war ng PDEA.

SEEN: Personal na binisita ni former Senator Jinggoy Estrada ang puntod ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong November 1. Tatlong taon na hindi nadalaw ni Estrada ang libingan ng kanyang bestfriend dahil nakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame pero taun-taon, hindi siya nakakalimot na magpadala ng mga bulaklak.

SCENE: Naghahatid ng wrong signal sa consumers ang Monosodium Glutamate (MSG) television commercial ni Liza Soberano dahil sa dami ng MSG na ibinudbod niya sa kanyang niluluto. Hindi maganda ang epekto sa katawan ng mga pagkain na nilalagyan ng sobrang MSG.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with