^

PSN Showbiz

Alessandra co-prod, bida, at kumanta ng theme song ng 12!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy ang Viva Films dahil positive ang mga feedback sa 12 nang magkaroon ito ng special screening sa UP Cine Adarna noong Lunes.

Mga bida sina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla sa 12 na kakaiba ang kuwento dahil silang dalawa lang ang mapapanood mula umpisa hanggang ending ng pelikula pero hindi nabagot ang mga nanood.

Nakarating sa Viva executives na pinalakpakan ng audience ang mga eksena nina Alessandra at Ivan. Nabalitaan din nila na maraming pinaiyak ang pelikula na biggest break ni Ivan na pamangkin nina Rustom at Robin Padilla na lumaki sa US pero umuwi sa Pilipinas para subukan ang kapalaran niya sa local showbiz.

Nakakatanggap naman ng mga papuri si Alessandra dahil siya ang sumulat ng kuwento ng 12. Jack of all trades si Alessandra dahil siya rin ang bida, co-producer at kumanta ng theme song ng pelikula. Mukhang sinusubukan ni Alessandra ang lahat kaya huwag ta­yong magulat kung dumating ang araw na siya na rin ang direktor ng mga movie project niya.

Rain kinansela ang concert sa Araneta!

Sad ang fans ni Rain at ng ibang mga Korean artist na kasali sa benefit concert para sa Marawi dahil postponed ang show.

Ngayon sana ang Rise 2 Shine Benefit Concert na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum pero kinansela ng kampo ni Rain.

“On behalf of the committee, we would like to apologize for this unforeseen situation, the headliner and all the performers will be the same,” ang official statement ng mga produ pero hindi nag-elaborate sa tunay na dahilan ng concert postponement.

Ang tsismis, hindi umano naging matapat sa contract obligations ang isa sa mga organizer ng concert at nabuking ito ng kampo ni Rain kaya nagdesisyon sila na huwag ituloy ang show.

Imbyerna ang Pinoy fans ni Rain, pati na ang mga kababayan niya na looking forward sa kanyang pagdating sa Pilipinas dahil matagal na nilang hinihintay ang pagbabalik sa bansa ng Korean singer na sikat na sikat noon pero naungusan na nina Song Joong-Ki at Kim Soo-Hyun ang popularidad.

Paolo magkasunod ang showing ng pelikula

May surprise movie sila para sa fans ang sinabi nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros nang dumalaw ang entertainment press sa set ng Lolas’ Beautiful Show, ang morning talk show nila sa GMA 7.

Hindi muna binanggit ng tatlong lola ng Kalyeserye ng Eat Bulaga ang pamagat ng kanilang surprise movie.

It turned out na ang Trip Ubusan, Lolas vs. Zombies ang surprise movie na tinutukoy nina Jose, Wally, at Paolo dahil sinimulan na nila ang pagpo-promote sa Eat Bulaga ng pelikula na obvious na spoof ng blockbuster Korean movie na Train to Busan.

Malamang na nasorpresa si Paolo dahil sa November 22 na ang playdate ng Trip Ubusan at sa November 29 naman ang showing sa mga sinehan ng Barbi: The Wonder Beki, another comedy movie na pinagbibidahan nila ni Papa Joey de Leon.

Magkasunod na linggo ang playdate ng Trip Ubusan at Barbi kaya kailangan ni Paolo na maglagare sa promo dahil starring siya sa mga pelikula na parehong comedy pero magkaiba naman ang karakter na ginagampanan niya.

Sure naman ako na susuportahan ng Eat Bulaga ang Trip Ubusan at ang Barbi: The Wonder Beki dahil mga host nila ang mga bida.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with