^

PSN Showbiz

Maxine nanghihinayang na pinakawalan si Coco!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Una palang inalok ang dating beauty queen-turned actress na si Maxine Medina para makapareha ni Coco Martin sa movie remake ng Ang Panday. Pero nagkataon naman na may conflict sa schedule ni Maxine kaya ang role ay napunta sa isa pang beauty queen-actress, ang anak ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon.  

Si Mariel ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo Dome City ng Tokyo, Japan kung saan ang 2016 reigning and outgoing Miss International ay ang Pinay beauty na si Kylie Verzosa.

Ganunpaman, umaasa pa rin si Ma­xine na sana’y magkaroon ng pagkakataon na makatrabaho niya ang Primetime King ng ABS-CBN na siya ring director-producer liban pa sa pagiging bida ng pelikulang Panday, isa sa mga official na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Speaking of Coco, personal nitong pinabulaanan ang kumakalat na balita na may samaan sila ng loob ng kanyang kapwa Kapamilya at isang malapit na kaibigan na si Vice Ganda dahil maglalaban sa takilya ang magkahiwalay nilang pelikula sa MMFF.

As for Maxine, may debut movie naman siya under OctoArts Films and T-Rex Entertainment, ang horror movie na Spirit of the Glass 2: The Haunted na nagbukas sa mga sinehan nationwide kahapon, November 1. Tampok din sa nasabing pelikula sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Benjamin Alvez, Ashley Ortega, Enrico Cuenca, Ahron Villaflor at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes.

Mga seryeng bumebenta, pinatatagal sa ere

Standard na sa mga bagong simulang TV series ang three months ang itinatagal nito sa ere.  Pero kapag kinagat ng mga te­leviewers, tiyak na ito’y mai-extend pa.

Ilan sa mga successful TV series na bumilang ng taon sa ere ay ang Ana Liza ng yumaong si Julie Vega, Flordeluna ni Janice de Belen, Gulong ng Palad, Valiente, Mara Clara, Esperanza, Pangako sa `Yo, Be Careful with My Heart, Doble Kara ang tumatakbo pang action TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin at iba pa.

Kung mahigit dalawang taon na sa ere ang Probinsyano ni Coco, mukha namang extended ang afternoon TV series ni Maja Salvador, ang Wildflower, ang No. 1 top-rating afternoon TV series ng Kapamilya Network habang No. 1 naman sa Kapuso Network ang Ika-6 na Utos na tinatampukan nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, at Ryza Cenon kasunod ang Impostora ni Kris Bernal.

Pumalo na rin sa limang buwan ang morning TV series ng balik-tambalan ng ex-sweethearts na sina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Iibigin at halos tatlong buwan na rin sa ere ang Haplos nina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa bakuran ng GMA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with