^

PSN Showbiz

Jodi at Jolo, Iwa at Pampi, nakakabilib ang relasyon!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung marami ang namamangha at humahanga sa kakaibang relasyon meron ang pamilya ng mag-asawang Ogie Aclasid at Regine Velasquez-Alcasid sa pamilya ng ex-wife ni Ogie, ang dating Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren at mister nito ngayong si Mark Murrow, nakakabilib din ang relas­yon ng ex-couple na sina Jodi Santa Ma­ria at Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson.

Ang ex-couple na sina Jodi at Pampi ay may isang anak na lalaki, si Thirdy.

It is a common knowledge na ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto ang bagong partner ngayon ni Pampi at meron na rin silang anak, si Eve na very close kay Thirdy at kay Jodi. Very close rin si Thirdy sa kanyang step-mom. Ang second son ng mag-asawang dating Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado na si Cavite Vice-Governor na si Jolo Revilla ang matagal nang kasintahan ng Kapamilya actress na si Jodi. Si Jolo ay may isang anak sa panganay na anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano, si Jose Gabriel Bautista na very close rin kay Jodi.

There was a time na iniwan kay Jodi ang anak nina Pampi at Iwa nang magtungo sa ibang bansa ang mag-partner. Ganoon ka-close ngayon sina Jodi at Iwa. Pero ang nakakagulat sa lahat ay ang sama-samang bakasyon sa Singapore nina Jodi, Jolo, Pampi, Iwa, at tatlo nilang mga anak na kung iisipin ay tila mahirap gawin pero nangyari.

Hindi pa umanong makuhang magpakasal nina Jodi at Jolo at maging sina Pampi at Iwa dahil nasa proseso pa ang annulment case ng kasal nina Jodi at dati nitong mister na si Pampi.

Winwyn malaki ang tsansa sa Reina Hispanoamericana

Hindi talaga nagpapahuli ang kinatawan ng Pilipinas at ng buong Asya sa 2017 Hisapanoamericana, ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez (Teresita Ssen Marquez) kung ang beauty, brains, at skills ang pag-uusapan.

Bago pa man dumating sa Santa Cruz, Bolivia si Winwyn kung saan ginaganap ang taunang international beauty pageant ay na-feature na siya sa isang local newspaper  at naging cover sa lifestyle section ng local newspaper.

Sobra ring hinahangaan si Winwyn hindi lamang ng kapwa niyang mga kandidata kundi maging ng tatlong hosts ng isang mor­ning TV show sa nasabing bansa nang ito’y magpakitang-gilas sa kanyang fusion Muslim dance na may kasamang Latin dance. Last Thursday naman during the presentation ng National Costume ay pumasok si Winwyn sa Top 3 along with Venezuela and Panama.  Kasama rin si Winwin with five other candidates ng Reina Hispanoamericana sa mga napiling gumawa ng isang local commercial para sa isang brand ng slippers na isa sa mga major sponsor ng Reina Hispanoamericana.

Suot ni Winwyn ang Pintados warrior queen costume sa National Costume na gawa sa kanya ng fashion designer na si Edwin Uy.

Although magda-dalawang linggo pa lamang si Winwyn sa Bolivia, marami na ang nai-impress sa kanya, hindi lamang mula sa kanyang mga kapwa kandidata kundi maging ng mga taga-Bolivia mismo.

Ang 2017 Reina Hispanoamericana ay gaganapin sa dara­ting na November 4.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with