^

PSN Showbiz

Ghost Bride at Spirit Of The Glass 2, salpukan sa Undas!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ghost Bride at Spirit Of The Glass 2, salpukan sa Undas!

Kim Chiu at Spirit of the Glass cast

Worth watching ang dalawang pelikulang palabas ngayon sa mga sinehan – ang The Ghost Bride and Spirit of the Glass 2 (The Haunted).

Parehong beterano ang director ng magbabanggaang pelikula today, si Direk Chito Roño ang sa The Ghost Bride at si Direk Joey Reyes ang sa Spirit of the Glass.

Ang The Ghost Bride ay tinutukan ang isang tradisyon ng mga Chinese na bihira lang ang nakakaalam.

May ganun pala sa kanila. At in all fairness, nagampanan ni Kim Chiu ang role na pinasok ang ganung klase ng tradisyon para isalba ang panga­ngailangan ng pamilya.

Pero kumplikado pala ang ganun. Hindi basta pakakasalan mo ang patay para magka-pera.

Watch n’yo ang movie na magbubukas sa mga sinehan ngayong araw na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang Spirit of the Glass (The Haunted) ay kuwento ng magkakaibigan na naglaro ng Ouija board at doon nabuksan ang tungkol sa kaluluwang kailangan ng tulong dahil sa naging karanasan sa kanyang asawa.

Bida sina Cristine Reyes, Maxine Medina, Ash Ortega, Therese Malvar, at iba pa. Pero ang isang tumatak sa akin ay ang boses ni Daniel Matsunaga. Pero totoo nga, ang galing ni Janine Gutierrez samantalang multo na siya kung tutuusin sa pelikula. At ang ganda niya.

Watch n’yo rin para madiskubre ang hiwaga ng Spirit of the Glass na Graded B naman ng CEB.

Kaya asahang buhay na buhay ang mga sinehan ngayong araw sa mga mall.

‘Yun nga lang, medyo marami ang nagbakasyon sa probinsiya dahil ang EDSA kahapon mula Quezon City hanggang Makati 30 minutes lang. Yup, isang himala talaga na ganun kabilis magbiyahe sa EDSA kahapon. Bibihira na itong mangyari. Sa karaniwang araw, mahigit dalawang oras ang biyahe from QC to Makati.

Beteranong aktor na si Tommy Abuel inirereklamo sa ‘scam’ si Jerald Napoles

Speaking of CEB, pesteng-peste na ang kapwa ko CEB member at veteran actor na si Tito Tommy Abuel sa mga joke na ipinadadala sa cellphone niya ng komedyanteng si Jerald Napoles through Globe. “Pasabi naman sa kanila ayoko nang mga joke na pinapadala nila. Hindi ako natatawa. Nakakaistorbo na,” litanya ni Tito Tommy.

Ilang beses na raw niyang nire-reply ang nagpapadala pero nababawasan pa ang load niya.

Pakiramdam niya scam ang lahat nang ‘yun at naiisahan siya. Pero wala naman siyang magawa dahil nga kahit anong reply niya walang nangyayari.

Kaya ang gusto niyang hingin ang attention ay si Jerald Napoles na. Tantanan na raw sana siya dahil wala siyang panahon sa mga ganun.

Song-Song wedding tinutukan din ng mga Pinoy

Super trending kahapon ang kasalan ng Korean superstars na sina Song Joong-ki and Song Hye-Kyo.

Talagang tinutukan sa social media kahit na kakaperanggot ang mga video at photos na uploaded. May ilan namang napanooran ng live pero hindi malinaw.

Hindi maikakailang pati mga Pinoy fans ay nagka-interes sa kasal nila dahil nga sa Descendants of the Sun.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with