PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Solano ginagago na ang buong Pilipinas – Zubiri

MANILA, Philippines — Muling binatikos ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ni hazing victim Horacio “Atio” Castillo III.

Sinabi ni Zubiri ngayong Miyerkules na buong bansa na ang ginagago ni John Paul Solano nang sabihin niyang hindi sa hazing nasawi si Castillo.

"Ngayon naman ay hindi na ang Senado ang ginagago ni John Paul Solano kundi ginagago na niya ang buong Pilipinas,” pahayag ng senador na kaibigan ng magulang ng biktima.

“The people cannot be fooled by this quack who is simply out to save his skin and now hunting an escape goat by blaming Atio himself for his own death," dagdag niya.

Sa counter-affidavit ni Solano ay sinabi niyang may sakit sa puso si Castillo na Hypertrophic Cardiomyopathy bago pa man sumailalim sa kanilang initiation rites.

Sinabi ni Zubiri na ang naging pahayag ni Solano ay matinding pambabastos sa pamilya ng biktima at sa mga Pilipino.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Aniya lumabas na naman sa mga isinagawang pagsusuri sa bangkay ng biktima ang pagpapahirap na sinapit niya sa Aegis Juris Fraternity.

“How can they explain the discoloration of the body due to massive hematoma? How can they dispute the medico-legal finding of DNA of Atio on the paddle used by the Aegis Jvris fratmen?” patuloy ni Zubiri na binanggit pa ang pagbabawal ng paggamit ng paddle sangayon sa Anti- hazing Law."

Una nang sinabihan ni Zubiri si Solano ng panggagago sa Senado matapos siyang tumangging ibigay ang kaniyang sinumpaang salaysay.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: