PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isabel Granada kritikal matapos ang cardiac arrest sa Qatar

MANILA, Philippines – Nanawagan ang showbiz community ng dasal para sa aktres na si Isabel Granada na ngayon ay kritikal matapos ang magkakasunod na cardiac arrest.

Kritikal ngayon ang kondisyon ng aktres matapos mahilo at mawalan ng malay habang nasa isang event sa Qatar.

Sinabi ng kaniyang kaibigan na si Bianca Lapus na isinugod sa Heart Hospital Medical Corp. sa Qatar si Granada matapos mahimatay.

“She suddenly collapsed lang daw. So I’m doing my best to get updates from the people who are there now. Please, please she needs prayer warriors now,” ayon kay Lapus.

Dagdag ni Lapus, kinalauna’y napagalamanan na comatose na ang kaniyang kaibigan.

“According to the nurse [I] chatted with in [Q]atar she was transferred to Hamad Hospital and it’s confirmed she has internal bleeding and aneurysm,” ani Lapus.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa nakausap ni Lapus na isang respiratory therapist, anim na beses na-cardiac arrest si Granada.

Hiling ni Lapus na ipagdasal ang lagay ng kaibigan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: