^

PSN Showbiz

Bongga generous, piolo nagbigaay ng P1-M sa Marawi!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bongga generous,  piolo nagbigaay   ng P1-M sa Marawi!

Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal

Pagkatapos makuha ang kinita sa pelikulang Kita-Kita na nag-akyat ng almost P400 million (though hindi lahat ‘yun ay napunta sa producer), nagbigay agad sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal ng donation para sa pagbangon ng Marawi. Sina Papa P at Direk Joyce ang dalawa sa producer ng nasabing pelikula nina Empoy and Alessandra de Rossi na nagbigay sa kanila ng box office status.

Si Robin Padilla ang nagbalita sa kanyang Instagram post tungkol sa pagiging generous ng magkaibigan.

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. “Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.?(The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs,” pasasalamat ni Robin.

Kung sabagay kilalang matulungin si Papa P. Hindi siya maramot kaya naman marami siyang blessings.

Iba ang closeness ng actor at Direk Joyce. Ang direktora ang madalas na nakakasama ni Papa P sa kanyang mga lakad kahit sa abroad.

Anne

Pero pakakasal muna, Anne tuloy  ang movie kasama ang korean aktor!

“January, tuloy na ‘yun,” sagot ni Boss Vic del Rosario tungkol sa movie ni Anne Curtis with a Korean actor.

Yup, tuloy ‘yun ayon sa big boss ng Viva Films.

Months ago nang banggitin ni Boss Vic ang tungkol sa nasabing pelikula. Nagpabalik-balik siya kamakailan lang sa Korea para nga kausapin ang Korean counterparts para sa nasabing proyekto.

Balitang this year na magaganap ang kasal ni Anne sa ibang bansa kaya malamang tinatapos niya muna ito bago harapin ang Korean actor na ito.

Isa si Anne sa hooked sa Korean dramas. As in panay ang like niya sa mga post ng K drama stars with matching comments pa ha samantalang ‘di hamak na mas marami siyang followers sa mga ‘yun. Wala rin siyang tigil sa panonood ng K drama.

Pero kasalukuyang nasa LA si Anne. Nakakailang balik na siya doon na ang duda’y may koneksiyon ang biyahe niya sa magaganap na kasalan nila ni Erwan Heussaff.

Kapalaran ni Empoy malalaman na!

Ngayong araw na huhusgahan ang pelikula ni Empoy na The Barker with Shy Carlos. Follow up movie ito after ng huge success ng Kita Kita.

Comedy na may mix na drama ang movie na dinirek ni Dennis Padilla. At kasama sa movie ang komed­yanteng si  Atak na habang sinu­sulat ang balitang ito ay nasa kulungan pa raw dahil sa sinasabing pagha-harass nito sa isang hotel attendant.

Malaki ang role ni Atak sa movie ha at very wholesome kaya nakakalokang sangkot siya sa kabastusan habang ang role niya sa movie ay bait-baitan.

Adrien at Isabelle

Gender ng baby ni isabelle sekreto hanggang lumabas

Walang gender reveal ang ipinagbubuntis ni Isabelle Daza.

Ayon sa actress, pagkapanganak na lang nila malalaman. “Doctor’s appointment to know the gender!  but....we’re not gonna find out until the baby is born so it’s a little surprise for us,” caption niya sa picture nilang mag-asawa kahapon.

Hindi nakiuso si Isabelle at mister niyang si Adrien Semblat na may malaking party ang revelation ng gender ng magiging anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with