^

PSN Showbiz

Aktres na gastador noon, nangungupahan at nakikisakay na lang ngayon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kasabayang aktres lima-lima ang sasakyan

Tsismisan mode ang hatid ng pag-ulan nang malakas. Bukod sa malakas na hanging dala-dala ng ulan ay napakatrapik pa, parang malaking parking lot ang mga kalye, kaya ang pagkakape-kape ang pamatay-oras ng mga taga-showbiz.

Puwedeng sa isang network lang sila nagtatrabaho, puwede ring pati ang mga nagtatrabaho sa kalaban nilang istasyon ay kakapihan nila, may hatid na saya ang malakas na ulan.

At nu’ng isang gabi ay dalawang pamosong female personalities ang natutukan nilang pagkumparahin. Ang tindi ng kanilang labanan nu’ng mga bagets pa sila, nag-aaway ang kanilang mga fans, upakan kung upakan ang mga tagahanga ng dalawang aktres.

Sabi ng isang miron, “Magkaiba ang ugali nilang dalawa. Si Actress A, marunong siya sa paghawak ng pera, si Actress B naman, isa siyang one day millionaire. Walang pakialam sa kinabukasan niya si Actress B, hindi tulad ni Actress A na kapag kumikita, e, marunong mag-save.

“Fast forward tayo sa buhay nila ngayon. Maganda ang buhay ni Actress A, napakarami niyang naipundar dahil sa husay niyang humawak ng finances niya. Hindi siya one day millionaire, tunay na milyonarya na siya ngayon!

“E, kumusta naman si Actress B? Sa laki ng kinita niya nu’ng kasagsagan ng popularity niya, e, wala man lang siyang matatawag na sarili niyang property ngayon. Juice ko, ni wala nga siyang sariling sasakyan!

“Kung lima ang sasakyan ni Actress A, si Actress B naman, e, nagpapa-service lang sa van ng production, sundo at hatid siya, ganu’n ang nangyari sa kanya.

“Mansion ang bahay ni Actress A, pero si Actress B, nangungupahan lang siya, palipat-lipat pa nga siya ng tirahan, kasi nga, nagkakaroon ng problema ang owner sa upa niya na hindi nababayaran nang regular ng girl!

“Napakalayo ng ugali nila. Isang concerned sa kinabukasan niya at ng mga anak niya, isa namang walang pakialam kung ano ang mangyayari sa buhay niya,” mahabang pagkukumpara ng aming source.

Simple lang kuno ang buhay ni Actress A, wala siyang pinagkakaabalahang bisyo na malakas manghigop ng pera, kahit bingo nga lang ay wala siyang alam.

Balik-chika ng aming impormante, “Di hamak na mas malaki ang milyones na dumaan sa mga kamay ni Actress B, kaya nga lang, e, waldas siya, wala siyang keber sa mangyayari sa buhay niya kapag wala na siyang projects.

“E, si Actress A, talagang marunong humawak ng datung! Hindi niya naman pinagdadamutan ang sarili niya, pero kung hindi naman kapaki-pakinabang ang ilalabas niyang salapi, e, kailangan pa muna sigurong dumaan ‘yun sa Senado bago niya pakawalan,” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Iwas sa kanegahan ng ina? Kc nagta-trabaho na sa Europe, lumayas na sa showbiz!

Tahimik ang buhay at career ni KC Concepcion. Gandang-ganda sa panganay ni Sharon Cuneta ang aming mga kaibigan nang makasabay nila sa eroplano ang dalaga.

Sabi ng isang friend namin, “Wala siyang make-up, nakasimpleng t-shirt na puti at maong lang siya, napakaganda niya! Wala siyang kaarte-arte, palagi siyang nakangiti, very humble ang anak ni Sharon.”

Palaging nasa Europe si KC, hindi malinaw kung nag-aaral pa ba siya o nagta­trabaho na, pero mas madalas na wala siya sa Pilipinas.

Kuwento ng mga Pinoy sa Europe ay nakakasabay rin nila si KC sa train. Ganu’n din ang kanyang porma, napakasimple, pero lutang na lutang ang kagandahan. Hindi maita­tago sa kahon ang presensiya ni KC, kilalang-kilala siya ng mga Pinoy, kahit pa ng mga kababayan nating dekada nang naninirahan sa Europa.

Ayaw na kayang mag-artista ni KC? Paggawa na lang kaya ng mga TV commercials ang pinagtutuunan niya kapag nandito siya? Tinalikuran na nga kaya niya ang pag-aartistang nakagisnan niyang propesyon ng kanyang ina?

“Baka naman may problema sila ni Sharon? Di ba, palagi silang nagiging issue, kung minsan nga, e, naba-blind item pa sila bilang mag-inang hindi nagkakasundo? Baka ‘yun ang reason kung bakit palagi siyang nasa ibang bansa?

“Kesa nga naman sa magkaroon pa sila ng problema ng mukhang super-problemado niyang mommy, e, umiiwas na lang siya,” tanong tuloy ng mga kaibigan naming nakasabay sa eroplano ni KC Concepcion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with