^

PSN Showbiz

Duet nina Sarah at Regine, nakakamangha!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Duet nina Sarah at Regine, nakakamangha!

Sarah Geronimo at Regine Velasquez

Shooting ng Sarah/James movie naurong!

Na-adjust pala ang shooting ng 20 Again, ang movie na pagsasamahan nina Sarah Geronimo and James Reid, ang Pinoy adaptation ng Korean hit movie na ang original title ay Miss Granny.

Next month na raw ito mag-start ayon mismo kay Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies nang makausap ko after ng first night ng sold out concert ni Regine Velasquez sa MOA Arena last Saturday night. Ang original plan ay November ang showing nito pero meron daw inayos sa script.

Si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng 20 Again na matagal nang kinasasabikan ng Popsters na mapanood.

James Reid

First time sa movie nina Sarah and James kaya kakaiba. Besides, super hit ang movie hindi lang sa Korea. Yes nagkaroon na rin ito local adaptation sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Vietnam, Japan, Thailand at nagkaroon na rin ng English and Spanish version.

Speaking of Sarah, kinilabutan at namangha ang lahat sa naging duet nila ni Regine sa second night ng R.30.

Ibang level nga naman ang duet nila ng Tagalog classic songs tulad ng Ikaw, Dadalhin Kita at Ikaw ang Lahat sa Akin.

Nag-viral sa internet ang mga nasabing duet nila.

Liza Dino at Direk Maryo

Ginanap na film conference tagumpay!

Nadagdagan ang kaalaman ng mga dumalo sa tatlong araw na Film Industry Conference @ QCinema na pinangunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at QC Cinema last Friday, Saturday and Sunday na ginanap sa Novotel.

Sa nasabing conference ay nagkaroon ng chance ang bawat bahagi ng movie industry na makinig, mag-consult at magkaroon ng konek sa mga tamang tao na puwedeng makatulong upang mas mapaganda pa at mai-market ang mga pelikulang gawa natin at kilalanin  hanggang sa international market.

Pinag-usapan din ang kasalukuyang kalagayan ng movie industry, ang mga problema nito at ano ang puwedeng gawin para bumalik ang interes ng lahat sa panonood ng pelikulang Tagalog.

Naging panelist din ang mga head ng iba’t ibang  local film festival sa bansa – Direk Maryo J. delos Reyes (To Farm), Wilson Tieng (Sinag ng Maynila), Ed Lejano (QCinema), Madonna Tarrayo (Cine Filipino) and Ronald Arguelles (Cinema One Originals) para naman sa mga baguhang filmmaker na gustong magkapuwang sa industriya.

Magkano ang grants na puwedeng matanggap ng mga gustong sumali at kung paano ang ownership ng isang pelikula sakaling mapili ang isa sa tinutukan.

Na-emphasized din ni Direk Maryo J., na hindi lang dapat iasa sa grants ang capital sa paggawa ng isang movie. Dapat ding maghanap ng financier ang isang producer o direktor. “Mangutang sila. Tulad sa ginawa ko sa Bamboo Flowers. Nangutang ako, hanggang ngayon binabayaran ko pa,” kuwento ng award winning director sa pelikulang sinugalan niya bilang director and producer. Bida sa Bamboo Flowers sina Mylene Dizon and Max Collins. Pero obviously hindi kumita ang pelikula dahil hindi agad nakabayad si Direk Maryo ng mga inutang niyang panggastos sa pelikula na ipinalabas noong 2013.

Napag-usapan din dun kung gaano ka-importante sa isang pelikula ang post production na hindi na minsan kino-consider ng maraming filmmakers.

Ang akala nila ay porke nakapag-shooting sila ay tapos na ang lahat.

Pero hindi. Lalo na nga kung ang hangad natin ay makapasok sa international market tulad ng mga pelikula ng Korea, Thailand at iba pang kalapit bansa nating nagiging big hit sa ibang bansa.

Si FDCP Chair and CEO Liza Dino ang nag-initiate ng nasabing conference para sa film industry na tiyak na malaki ang maitutulong para  umasenso pa ang gawang-atin.      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with