^

PSN Showbiz

JaDine nalamangan ang LizQuen sa PP!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung si Enrique Gil ay wala nang pag-asa na makasama sa solo movie ni Liza Soberano na Darna, si Nadine Lustre ay sigurado nang papapel sa Pedro Penduko na unang plinano ay ipagawa kay James Reid nang wala ang kanyang ka-lovetean, pero sa hu­ling sandali ay isinama na rin ang girlfriend nito. Kaya naman  tuwang-tuwa ang fans nila dahil na-extend pa ang loveteam ng isa sa pinakamatagumpay na pareha sa lokal na showbiz.

Walang dapat ireklamo ang fans kung hindi man katulad ng mga u­nang project ng dalawa na romcom ang Pedro Penduko dahil action/drama/adventure ito na layuning i-push pa ang popularidad at ka­ga­lingan ni James bilang artista.

Nagsimula nang mag-training ang magka-loveteam para sa nasabing pelikula.

John Lloyd hindi na nami-miss

Sayang kung hindi na ma­kikita sa mga programa ng Dos ang retokadong si Xander Ford. Nauwi sa wala ang ginawang pagpapaguwapo sa kanya. Bagay pa na­man sa kanya ‘yung role niya sa Home Sweetie Home bilang maangas na manliligaw ni Miles Ocampo. Hindi masyadong nami-miss si John Lloyd Cruz sa show dahil pinalabas na nagtatrabaho siya sa Dubai.

Dapat lang pamalagiin ni Toni Gonzaga ang pagka-miss at pagbanggit niya sa kanyang “asawa” para hindi tuluyang makalimutan ng manonood ang maga­ling na aktor na hopefully, ay nasa bakasyon lamang.

Bayani hindi nakakabastos ang mga joke

Ngayon lang sa pagsabak ni Bayani Agba­yani sa I Can See Your Face nakikita ang kanyang ga­ling bilang isang komedyante. Nabigyan niya ng tu­wa ang trabaho nila nina Andrew E. Angeline Quinto, Kiray Celis, at Alex Gonzaga bilang mga imbestigador sa musical game show.

Ang maganda kay Bayani ay hindi nakaka-offend ang pagpapatawa niya, wala siyang nababastos o nasasaktan na mga kabatuhan at kasamahan niya at maging ang mga manonood. 

Pero pasado sa drama

Elmo kailangang magpapayat

Hindi nakapagtataka na makuha para lumabas sa pangunahing drama anthology ng bansa na Ma­alaala Mo Kaya ang magaling na anak ni Francis Magalona at tulad nito ay isa ring rapper na si Elmo Magalona. Nakakatuwa na he pased his role bilang kapatid at suporta ng isang may polio with  flying colors.

Hindi na-miss sa kuwento ang ka-loveteam niyang si Janella Salvador. Mas nakita ang malaking improvement ng kanyang acting na nagpaiyak sa maraming manonood lalo na sa confrontation scene nila ni Yves Flores na beterano na sa MMK. Kaila­ngan lamang ni Elmo na magmintina ng weight dahil may mga eksena siya na nakita na mataba siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with