^

PSN Showbiz

Donna at Mikee pinalakpakan sa pagbirit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ako nang malaman ko na well-applauded ng concertgoers ang guesting nina Donna Cruz at Mikee Cojuangco sa concert ni Regine Velasquez sa MOA Arena noong Sabado.

Sa mga hindi nakakaalam, si Donna ang favorite singer/actress ko noong dekada ‘90 bago siya nagpakasal kay Yong Larrazabal.

Kasikatan ni Donna nang mag-decide ito na mag-asawa at manirahan nang permanente sa Cebu. Marami ang nanghinayang nang magbabu si Donna sa showbiz pero tama ang pasya niya dahil masaya at tahimik ngayon ang kanyang buhay.

Contract star si Donna ng Viva pero nawala man siya, may pumalit naman na naging paborito ko hanggang ngayon, si Sarah Geronimo.

Regine cry me a river

Cry me a river si Regine sa 30th anniversary concert niya dahil sa kanyang tatay na si Mang Gerry.

Kung hindi dahil kay Mang Gerry, walang Regine Velasquez dahil siya ang nagpursige na matupad ang dream ng kanyang anak na maging singer.

Nakiiyak kay Regine ang fans na na-feel ang kanyang nararamdaman na lungkot dahil sa pagkawala ng tatay niya na sumakabilang-buhay noong February 2014.

Kung nasaan man si Mang Gerry, tiyak na masaya siya dahil sobrang successful ang anniversary concert ng kanyang anak. Malaki ang kontribusyon ni Mang Gerry sa success ng singing career ni Regine.

Bituin for sale ng $20, Ken afford ibili si Barbie

Sinabi ni Ken Chan sa presscon noon ng This Time I’ll Be Sweeter ang plano niya na bumili ng bituin at ipa­ ngalan ito sa kanyang leading lady na si Barbie Forteza.

Naalaala ko tuloy ang regalo sa akin ni Nanette Medved nang mag-aral ito sa Amerika. Bumili si Nanette ng star na inilagay niya sa pangalan ko.

May mga nag-wonder kasi kung paano makakapagregalo si Ken ng star kay Barbie. Napakadali ng sagot, mag-research kayo sa Internet dahil may isang website na nagbebenta ng mga bituin mula sa halagang $20 hanggang $100.00. Makakatanggap ng laminated certificate ang mga buyer bilang patunay ng pagbili nila ng mga bituin.

Ibinili ako ni Nanette ng star noong late ‘90s kaya hindi ako nagtaka sa pralala ni Ken na bibili ito ng star para kay Barbie dahil true naman ang sinabi niya.

Baldo Marro malaking kawalan sa industriya

Ikinalungkot ni Bong Revilla, Jr. ang balita na pumanaw na ang fight instructor na si Baldo Marro.

Maraming beses na nakatrabaho ni Bong si Baldo na dinalaw pa siya noon sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Sa pamamagitan ng isang mensahe, ipinarating ni Bong sa mga naulila ni Baldo Marro ang taos-puso na pakikiramay.

“Pakikiramay po sa pamilya at mga naiwan ni Baldo Marro. Ikinagulat ko ang biglaan mong paglisan DoBalds. Parang kung kailan lang nandito ka pa at bumisita sa akin.

“Malaking kawalan si Baldo sa industriya at mahihirapan nang mapunan ang iniwan niya sa kanyang larangan na buong husay niyang ginampanan sa loob ng napakaraming dekada.

“Utang ng marami naming natu­ringan na “action star” kay DoBalds ang galing namin sa pakikipagbakbakan sa pinilikang tabing – mula sa pagbunot at tamang porma sa pagtutok ng baril; sa pagkalabit ng gatilyo; yung mabilisang “no look” sa pagpalit ng magazine; ang porma sa pagsuntok, pagsipa, pagtalon at paggulong; ang mga numero sa mga fight sequence at ang mga kamangha-manghang mga stunt – si Baldo lahat ‘yan.

“Kahit ang mismong tamang anggulo ng camera para lalong mapaganda ang pagkuha sa aksyon, eksperto siya diyan.

“Looking back, walang action star na Bong Revilla kung walang Baldo Marro. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya, at sabihin paulit-ulit ang aking paghanga at biyaya na makasama siya sa aking buhay. God Bless DoBalds. Salamat nang marami. Rest in Peace.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with