PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dennis iniatras na ang mga kaso sa mga anak!

PIK: Successful ang sexy-comedy stage­play na Solo Para Adultos na pina­labas sa Music Museum kamakalawa ng gabi.

Pinatunayan ni Vivo Ouano na kaya pa niyang bumalik at kung mabibigyan ng magandang project, puwede siyang maging big star at magaling na aktor.

Proud naman daw siya sa nagawa niya sa stageplay na iyon dahil kahit medyo daring, maganda ang kuwento at nung napanood ng asawa niya, natuwa raw ito.

Iikot sa maraming probinsya ang Solo Para Adultos, kasama sina April ‘Congrats’ Gustilo, Tori Garcia at ang Mr. Gay World John Raspado.

PAK: Maraming mga misis ang natuwa at naka-relate sa ipinost ni Kris Aquino na mataas ang grades ni Bimby Yap. Pero may ilan pa ring nam-bash na tila nayayabangan kay Kris.

Ang nakakaawa lang, si James Yap na nananahimik ay nada­may sa malulupit na komento ng ilang bashers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Merong nag-comment na mabuti nakuha raw ni Bimby ang katalinuhan ni Kris.

Sabi nitong follower ni Kris na si @annrhea; “Buti hindi nagmana ng poor IQ ng ama.”

Patay-malisya namang sinagot ni Kris ng; “Well thank God nakuha yung height and athletic skills.”

BOOM: Hindi na isyu kay Dennis Padilla ang pagpapalit ng apelyido ng mga anak niya.

Masayang-masaya na siya ngayon dahil maa­yos daw sila ng mga anak niya. Kaya hindi na raw niya inaalam kung magpapalit man ba sila ng apelyido o hindi.

Na-withdraw na raw niya ang kasong isi­nampa noon sa pagpapalit ng apelyido ni Julia Barretto, at hindi na rin daw niya inalam kung nagpalit na ba si Claudia.

 “Sabi ko naman kay Julia nasa right age ka naman, you can decide for yourself, if you want to use my name Baldivia, or if you want to use

Barretto, it’s fine with me.

 “Ganun din din yung kay Claudia, kung gusto niyang gamitin ang family name ko, okay. Kung ayaw niya, okay na rin.

 “Ang importante lang naman eh…kahit matanggal ang apelyido ko, paano mo tanggalin yung dugo ko dun,” pahayag ni Dennis.

Sa ngayon ay kay Julia na raw niya idinadaan lahat kung gusto niya makita ang iba pa niyang anak. Hindi pa rin daw kasi sila nag-uusap ni Marjorie hanggang ngayon.

Sabi ng actor/director; “Hindi kami nag-uusap ni Marjorie.

 “If I have a message for Claudia, and Leon, and Daniella, I pass thru Julia. So si Julia yung natatawagan ko at nati-text ko kapag may messages ako sa ibang mga anak ko. Kasi I don’t have the number of Claudia, I don’t have the number of Leon.”

Wish lang ni Dennis na maganda ang kalalabasan ng dinirek niyang pelikula nina Empoy Marquez at Shy Carlos na The Barker, na magsu-showing na sa October 25. Balak daw niya kasing magdirek ng pelikulang posibleng pagbibidahan ng anak niyang si Julia ka-partner si Joshua Garcia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: