PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zsa Zsa at Kuh may diva-to-diva performance

MANILA, Philippines — Makibyahe na around the world ngayong Linggo (Oct. 22) ng hapon sa ASAP sa pa­ngu­nguna nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga kasama sina Tanner Mata, Maxine Me­­dina, Cristine Reyes, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, Elmo Magalona, at Kathryn Bernardo pati rin sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, at Kyla.

Makikigulo naman ang cast ng pinakabagong horror film na handog ng Star Cine­ma na Ghost Bride kasama ang mga bida nito na sina Kim Chiu at Matteo Guidicelli habang handog ng ASAP LSS ang mga kwento ng pag-ibig kasama sina Erik Santos, Juris, Jay-R, Kris Lawrence, Dingdong Avanzado, at Jolina Magdangal.

Isang all girl dance performance ang hatid nina Julia Barretto, Janella Salvador, Kira Balinger, Maris Racal, at Kathryn  habang iinit naman ang ASAP stage sina Rayver Cruz at Yassi Pressman.

Sabayan ang acoustic jamming sa ASAP Jambayan kasama sina Inigo Pascual, Kaye Cal, Migs Haleco, Isabela Vinzon, at Zia Quizon habang throwback kantahan naman ang hatid nina Jed Madela, Richard Poon, Morissette Amon, at Gary Valenciano.

Hindi rin papahuli ang sorpresang handog ni Pia Wurtzbach at Sam Milby habang isang diva-to-diva performance naman ang hinanda nina Zsa Zsa Padilla at Kuh Ledesma.

Abangan rin ang pangalawang set ng Himig Handog songs nina Jona, Kaye Cal, at Inigo Pascual.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong Linggo (Oct.22), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: