PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Usung-uso Danita nagka-depression!

Danita Paner

Balik sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) si Danita Paner matapos itong muling lumagda ng five-year contract with the talent management arm ng Viva Group of Companies.

Pagkatapos ng ilang buwang pahinga from showbiz, aminado ang bunso ng vete­ran actress na si Daisy Romualdez na hina­ha­nap-hanap niya ang pagkanta at pag-arte kaya muli siyang bumalik sa kanyang dating home studio, ang VAA.

During the contract signing, inamin ni Danita na isang taon na umano ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na isang young entrepreneur pero wala pa umano sa plano nila ang pag-settle down.

“May mga respective goals pa kami na gusto na­ming gawin,” aniya.

Samantala, hindi ikinakaila ni Danita na nagka-trauma umano siya sa isang palamurang lady director na naging sanhi ng kanyang depression.  Mabuti na lamang daw at nalabanan niya ito dahil dumating din siya sa point na gusto niyang wakasan ang kanyang buhay.

Maricel malaki ang ipinayat

Malaki na ang ipinayat ng Diamond Star na si Maricel Soriano nang ito’y makita namin sa birthday party ni Rhyan Deles last Friday evening na ginanap sa Salu Restaurant in Quezon City. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakita rin namin sa nasabing party si Lani Lobangco na gustong bumalik ng showbiz kasama ang anak niyang  Kapuso young actor na si Bruno Gabriel, ang younger bro­thers ni Maria na sina Mel at Michael Soriano ganundin ang may-ari ng Salu Restaurant na si Harlene Bautista.

Kapamilya na rin ang turing ni Maria kay Rhyan who gave up his stable job in the U.S. in the name of love. Si Rhyan ang partner ng nakababatang kapatid ni Maria na si Michael Soriano.

Jon sinisikap tuparin ang pangarap para sa nanay na namatay

One month today, October 22 nang sumakabilang-buhay ang ina ng Hashtag member na si Jon Lucas na si Marie Jane last September 22 sa atake sa puso.

Hindi ikinakaila ng Kapamilya young actor na sobra umano siyang naapektuhan sa maagang pagkawala ng kanyang mahal na ina.

Maraming pangarap si Jon para sa kanyang ina kaya siya nagsisikap nang husto sa kanyang trabaho bilang actor, dancer at singer dahil gusto niya itong mabigyan ng sariling bahay balang araw.  Pero sa kabila nang maagang pag-iwan sa kanya ng kanyang ina, mananatili umano siyang matatag at ipagpapatuloy ang mga pangarap niya para sa kanyang namayapang ina.

Bukod sa programang It’s Showtime, sunud-sunod din ang ginawang pelikula this year ni Jon at kasama na rito ang Bes and the Beshies na palabas ngayon sa mga sinehan.

By the Bay uunahan ang Parade of Stars

Bago ang December 23 Parade of Stars para sa taunang Metro Manila Film Festival, mauuna munang magkaroon ng Christmas Parade By The Bay ang kauna-unahang Christmas by Manila Bay na proyekto ng Department of Tourism (DoT) at co-presented by Automobile Association Philippines (AAP) and International School of Sustainable Tourism (ISST) kung saan ang ABS-CBN ay isa sa mga major sponsors.

Ang parada ay gaganapin on December 17 (Sunday) at 5:00 p.m. na magmumula sa Cultural Center of the Phlippines (CCP) at magtatapos sa Quirino Grandstand kung saan gaganapin ang  Christmas by Manila Bay mula December 15 to 17, 2017.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: