PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bossing ng isang network gabi-gabi sa casino

Sa isang mataong lugar na maingay, mausok at puro tunog ng mga makina ang maririnig ay madalas makita ang isang kilalang pigura sa isang malaking network. Meron agad siyang dahilan kapag may mga nakakakita sa kanya du’n.

​Ang gasgas niyang sagot, “May ka-meeting kasi ako. Ewan ko nga ba kung bakit ito pa ang napili niyang meeting place namin?” Palaging ganu’n.

​Pero ang totoo ay nagpadala na rin ang kilalang ehekutibo sa kaway ng bisyo, madalas na siyang magsugal, umaasa siyang babagsak ang milyunang jackpot sa kanyang makina.

​Kuwento ng aming source, “Siguro, dahil sa kadedenay niya na nagsusugal siya, e, hindi na niya natatandaan ang mga taong nasasabihan niya na may ka-meeting lang siya du’n!

​“Gaya nu’ng isang personality na nakakita sa kanya sa casino, ang sagot niya, e, may ka-meeting lang daw siya. Kaso, tatlong beses na siyang tinatanong ng personality na ‘yun, ganu’n pa rin ang sagot niya.

​“Hindi nga raw niya maintindihan kung bakit ang casino pang ‘yun ang napiling pagmitingan nila ng kausap niya. Three times na siyang nagsasabi ng ganu’ng, pero paulit-ulit pa rin naman siyang bumabalik sa casino?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

​“Ayaw pa kasi niyang aminin na nagsusugal talaga siya, ano ba namang ikatwiran niya na lang na nagdidibersiyon lang siya dahil ang dami-dami niyang trabaho sa pinaglilingkuran niyang network sa maghapon?

​“Nagtatanggal lang siya ng stress, naglilibang lang siya dahil ang hirap ng trabaho niya bilang executive ng network, di ba naman? Pero nagdedenay pa kasi siya, kung anu-anong kaechosan pa ang idinadahilan niya, e, buking na buking na rin namang nagsusugal siya!” nakairap na kuwento ng aming source.

​Nagsimula kuno ang pagkahilig sa sugal ng babaeng ehekutibo nang madalas siyang sumasama-sama sa ibang bansa sa isang sikat na sikat na personalidad. Ang pinupuntahan pa naman nilang bansa ang pinakasentro ng mga sugalan sa buong mundo.

​“Tantanan na ang mga dispalinghadong katwiran na may ka-meeting lang siya dahil ang dami-dami nang nakakakita sa kanya sa casino. Inaabot siya nang halos umaga na du’n sa kapipindot niya!

​“Tama na ang pagpapanggap, gabi-gabi na lang siyang may ka-meeting sa hotel and casino, samantalang puro makina lang naman ang ka-meeting niya? Naku, baka kapag nalaman ‘yun ng mga bossing niya, e, palakulin siya sa network na pinagtatrabahuhan niya?” pagtatapos ng aming source.

​Ubos!

Sharon biglang tameme sa problema nila Sen. Kiko

Nananahimik pa rin si Sharon Cuneta. Sa isang panahon na inaasahan siya ng ­ating mga kababayan para mag-post ng mga pagtatanggol sa kanyang asawang senador na sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuntukin na lang para matapos na ang isyu ay saka naman blangko ang social media account ng Megastar.

​Maraming nagtataka sa kanyang pananahimik, ito raw kasi ang panahong inaasahan ng publiko na lalantad si Sharon para idepensa ang ama ng kanyang mga anak, pero saka naman nagsarado ang kanyang utak at bibig.

​Tuloy, dahil sa kawalan niya ng pahayag tungkol sa hindi pagkakaintindihan ng pangulo at ng kanyang asawang senador, maraming nagdududa na may matinding problema nga sa pagsasama nila ni Senador Kiko Pangilinan.

​Sabi ng kaibigan naming propesor, “E, may panahon nga siyang ipakita nu’n sa mga IG posts niya ang mga kaha de yero niya, di ba? Nabigyan niya ng kuwento ‘yun! E, bakit ngayon na ang husband na niya ang pinagsasalitaan ng presidente, very silent siya?

​“Dalawang bagay lang ‘yan. Ang una, ayaw siguro ni Sharon na makialam sa mga isyung pampulitika. Na hindi kapani-paniwala, dahil lumaki siya sa mundo ng politics.

​“Ikalawa, hindi na niya masisisi ngayon ang mga nagdududa na kaya panay-panay ang pag-eemowt niya, e, dahil totoong may problema sa relasyon nilang mag-asawa. Kung babalikan natin ang mga posts niya nu’n, e, palaging mga anak lang niya ang naaalala niya, hindi kasali si Senador Kiko!” mahabang komento ni prop.

​Sabihin nang nauuna sa pagbibigay ng paghusga ang publiko, pero ang pananahimik ni Sharon ang pinag-uugatan nu’n, mawawala lang sa kamalayan ng mga Pinoy ang ideya na may problema nga sa kanilang pagsasama kung magpapakawala siya ng mga posts ng pagtatanggol sa kanyang mister.

​Ganu’n lang kasimple ‘yun.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: