PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paandar ng millennials noon pa nauso!

Lodi at petmalu ang mga binaligtad na Tagalog words na ipinauuso ng mga millennial. Hindi bago ang mga pa-epek ng millennials dahil bago pa sila isinilang, uso na noon pa man ang mga salita na binabaligtad.

Naging “Erap” si Manila City Mayor Joseph Estrada dahil binaligtad na “Pare” ang Erap na nakasanayan nang itawag sa kanya mula pa noong dekada ’70.

May hit song si Sampaguita na Nosi Balasi ang pamagat na galing sa binaligtad na Sino Ba Sila.

Dalawa lang ang Erap at Nosi Balasi sa napakaraming Tagalog words na nakatuwaan na baligtarin ng mga nagpapauso kaya hindi puwedeng i-claim ng millennial na sila ang original sa paggamit ng lodi at petmalu na mula naman sa mga salitang idol at malupet.

Ang mga paandar ngayon ng millennials ang ebidensya na pabalik-balik at paulit-ulit lang ang mga nauso at ipina­uso noong mga young once pa kami.

Yasmien maligaya sa Hindi...

Maligaya na naman si Yasmien Kurdi dahil may bagong show siya sa GMA 7, ang afternoon drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakadagdag sa excitement ni Yas­mien ang opportunity na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network, ang makatrabaho ang mga mahuhusay na direktor na sina Maryo J. delos Reyes at Gina Alajar.

Malapit nang magsimula ang taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Co-stars ni Yasmien sa coming soon afternoon drama series ng GMA 7 sina Mike Tan, Jackie Rice at Martin del Rosario.

Tsinugi na ang karakter ni Mike sa Ika-6 Na Utos kaya walang conflict nang tanggapin niya ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka. 

AiAi parang napapanood sa Kapamilya

Napapanood sa Kapamilya Network ang trailer ng Bes and The Beshies kaya parang nag-promote na rin si AiAi delas Alas sa ABS-CBN ng pelikula niya na showing pa rin sa mga sinehan.

Araw-araw rin na napapanood sa Eat Bulaga ang trailer ng funny and entertaining movie nina AiAi, Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzales at Carmi Martin.

Young actress tinawag na laos  ang mas matandang aktres

Taklesa ang young actress at television host na nag-comment na laos na ang isang aktres na mas matanda sa kanya.

May katotohanan naman ang sinabi ng bagets pero hindi ito  dapat nagsasalita nang ganoon sa harap ng mga tao dahil wala pa siyang napapatunayan sa showbiz.

Mapalad ang young actress dahil hindi intrigera ang reporter na kanyang nakausap at nakarinig sa pralala na has been na ang aktres or else, siguradong kukuyugin siya ng loyal fans  ng showbiz personality.

Marunong naman na makinig sa mga payo ang young TV host/actress dahil nang umapir ito sa isang presscon, bait-baitan school of acting na ang drama niya. Halos hindi makabasag-pinggan ang kanyang mga kilos at sobrang galang ang pakikipagtsikahan portion niya sa mga reporter.

Hindi pa kasi sanay sa showbiz ang bagets na masyadong totoo ito sa sarili at sa mga tao na nakakahalubilo niya kaya paborito siya ng kanyang mga kasamahan sa isang television show.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: